ILOILO, Philippines – Ninakaw ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang mahigit 100 solar streetlights na nagkakahalaga ng tinatayang P4.3 milyon sa tatlong barangay sa Santa Barbara.
Base sa imbestigasyon, sinabi na umabot sa 129 solar streetlights ang tinangay ng mga kawatan.
Sa Barangay Bulong West, nahuli sa CCTV ang isang suspek na isa-isang umaakyat sa mga poste upang tanggalin ang mga solar streetlights.
Ayon sa mga awtoridad, tatlong barangay ang pinasok ng mga kawatan. Patuloy na pinaghahanap ang suspek at mga umano’y kasabwat nito. Mary Anne Sapico