BAGO ang lahat, sinserong pakikiramay sa pamilya ni”Boss DAA” (Dante Arevalo Ang) Chairman Emeritus ng The Manila Times,Ex-Presidential Envoy, Publisher at higit sa lahat, respetadong mamamahayag.
Alam nating “napakaliit” ng ating boses sa paghahayag ngating pakikidalamhati at pagbibigay ng pagpupugay sa kanya dahil sa dami ngkanyang mga nagawa para sa ating bansa at kapwa.
Bagaman, gusto pa rin nating ibahagi na minsan, nakasama,nakausap at naging “kahigupan” natin ng kape si Boss DAA, isang magaling nanilalang! Mabuhay ka, Boss DAA!
***
“Hiyang-hiya” naman tayo dito sa ‘Toll RegulatoryBoard’ sa deklarasyon nito noong nakaraang Biyernes, Mayo 2, na “maniningil” na ng ‘toll fee’ sa lahat ng dadaan na sasakyan sa ‘Segment 3B’ ng CAVITEX simula dapat nitong Martes, Mayo 5.
Ang 2-kilometrong Segment 3B ang‘connector’ ng CAVITEX simula sa Parañaque City hanggang C5 Link sa Taguig City.“Hiyang-hiya” tayo dahil mistulang hindi alam ni TRB Executive Director ‘Jay Art’ Tugade kung sino ba talaga ang kanyang“Boss?” Si Pangulong Bongbong Marcos ba at ang sambayanang Pilipinoo ang mga pribadong kompanya na may kontrol sa ating mga expressway katulad ngCAVITEX?
Lumalabas kasi na hindi nabasa (o wala siyang pakialam) sa sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na dapat tiyakin ng LAHAT ng ahensya ng gobyerno (katulad ngTRB) ay tumulong upang “mapagaan” ang pasanin ng mga Pinoy– tulad ngpagbabayad ng toll fees– ngayong nasa krisis tayong lahat dala ng giyera saMiddle East.
At ang anunsyo niyang simula ng paniningil ng toll fees sa Segment 3B ay hindi lang pagsuway sa utos ni PBBM. Bagkus, ang tanging mapapaboran ay ang oligarkong si MVP (Manny V. Pangilinan), ang “Bosing”ngCAVITEX.
“Mabuti” na lang din at “maaayos” at “matitino” ang mga opisyal na ipinuwesto ni PBBM sa Philippine Reclamation Authority at Public Estate Authority Tollway Corporation sa katauhan ni PRA Chairman Atty.Alex Lopez at Board Member Onyx Crisologo, PEA-TC Chairman, na agad “iwinasto”ang sablay na anunsiyo ni Tugade.
Anila, WALA pa ring bayad ang pagdaan sa Segment 3B dahil nasa krisis ang bansa at kailangan tulungan ang ating mga kababayan, katulad ng bilin ni PBBM. Sa kanilang kapuri-puring tindig sa isyu, libo-libong Pinoyang natuwa at mayroon din namang napahiya– ang TRB.






