Home METRO Tulak swak sa P.2M tobats

Tulak swak sa P.2M tobats

Timbog ang isang tulak nang masamsaman ng halos P.2M shabu sa Caloocan.

Sa karel humantong si alyas “Bong”, 48 at ng Phase 4C Excess Lot, Barangay 176, ng lungsod.

Isinagawa ang buy-bust operation sa Robes 1 St., Brgy. 175 nang may magnguso sa pagtutulak ng suspek, at pagdakma ni Bong ng marked money kapalit ng shabu ay siya naman ang dinakma ng mga parak.

Abot 25 gramo ng droga na may presyong P170,000.00 at isang P1,000 bill na marked money ang nakuha sa dinakip na kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Merly Iral

Previous articlePinakamalamig na temperatura ngayong 2024 sa NCR naitala
Next articleSa kabila ng ‘shadowing at dangerous maneuver incidents’ freedom of navigation sa SCS ‘di naging isyu – China embassy