Home METRO Tulak timbog sa P7.2M marijuana

Tulak timbog sa P7.2M marijuana

TUBA, Benguet- Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency ang marijuana na nagkakahalaga ng P7.2 milyon mula sa hinihinalang drug pusher sa isang buy-bust operation sa Camp 4 sa lugar na ito nitong Miyerkules.

Kinilala ang suspek na si Arnel Guidayos, 26, ng Kibungan, Benguet.

Nakuhanan si Guidayos ng 60 marijuana bricks na may timbang na tig-isang kilo na nakalagay sa loob ng tatlong sako.

Nakatanggap ng impormasyon ang PDEA Region 4-A na handang makipagkita at magbenta ng high-grade marijuana ang suspek.

Nakipag-ugnayan ang PDEA Region 4-A sa PDEA-Cordillera at naglunsad ng operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Nahaharap ang suspek sa drug-related case habang dadalhin ang nakumpiskang marijuana sa Philippine National Police-Crime Laboratory sa Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet para suriin. RNT/SA

Previous articleMC taxi ops sa NCR ‘wag na lawakan para iwas-disgrasya – solon
Next articleMas maigting na presensya ng Chinese vessels sa Scarborough Shoal naobserbahan