Home NATIONWIDE Una sa 2025: Bagyong Auring laban-bawi

Una sa 2025: Bagyong Auring laban-bawi

MANILA, Philippines – Humina na ang naitalang pinakaunang bagyo sa Pinas sa 2025 na tinawag na Bagyong Auring at naging Low Pressure Area (LPA) na, ayon sa PAGASA.

Lumabas na rin ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at maliit ang posibilidad na muling maging bagyo sa loob ng 24 oras.

Gayunman, asahan ang kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa malaking bahagi ng bansa. Maulan sa Batanes, Ilocos Region, Babuyan Islands, Surigao del Sur, at Davao Oriental dulot ng LPA, habagat, at easterlies. May banta ng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang malakas na ulan.

Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, makakaranas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o thunderstorms, na maaaring magdulot ng localized na pagbaha.

Katamtaman hanggang malakas ang hangin sa Hilaga at Kanlurang Luzon, kaya’t magiging katamtaman hanggang maalon ang dagat. Banayad hanggang katamtaman naman ang hangin at alon sa natitirang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao. RNT