Home NATIONWIDE Unang Simbang Gabi sa Maynila, mapayapa

Unang Simbang Gabi sa Maynila, mapayapa

Crismon Heramis l Remate File Photo

MANILA, Philippines – Payapa ang pagdaraos ng unang Simbang Gabi sa taong ito sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Manila Police District Director Police BGen Arnold Thomas Ibay, walang naitalang insidente sa mga oras ng misa ngayong madaling araw.

Gayundin naging maayos at mapayapa rin ang anticipated mass kagabi.

Sa pagsisimula ng siyam na araw na Simbang Gabi, nag-ikot si Ibay sa Quiapo Church at Sto Nino de Tondo para tingnan ang sitwasyon

Kasama niya sa pag-iinspeksyon si NCRPO Acting Director Police BGen Anthony Aberin.

Katuwang naman ang mga tauhan ng Barangay, tiniyak ni Ibay ang sapat na dami ng mga pulis na magbabantay sa lahat ng simbahan sa lungsod hindi lamang sa simbang gabi kundi maging sa iba pang aktibidad sa kabuoan ng Kapaskuhan.

Ang Simbang Gabi ay nagsisimula alas 4:30 ng madaling araw habang alas 8:30 ng gabi naman ang anticipated mass. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)