Home NATIONWIDE Updated route para sa Olympic heroes parade, alamin

Updated route para sa Olympic heroes parade, alamin

Nagsagawa si MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes ng isang press conference hinggil sa pinal na detalye ng gaganaping Heroes Homecoming Parade of the Paris Olympic contingent sa pangunguna hni double gold medalist Carlos Yulo at bronze medalists Nesthy Petecio at Aira Villegas,. Danny Querubin

MANILA, Philippines- Ipinalabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Martes para sa  updated route para sa heroes homecoming parade para sa 2024 Paris Olympians.

“Tuloy na tuloy na bukas. Magsisimula po sa V. Sotto at matatapos sa Rizal Memorial Sports Complex,” pahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes sa isang press conference.

Narito ang ruta ng parada:

  • Mula V. Sotto (Aliw Theater), kumaliwa sa Roxas Blvd.

  • Kumanan sa P. Burgos Avenue,

  • Diretso sa Finance Road

  • Kumanan sa Taft Ave.,

  • Kumanan sa Pres. Quirino Ave.,

  • Kumaliwa sa Adriatico St.

  • Kumaliwa sa Rizal Memorial Sports Complex.

Pinayuhan ni Artes ang mga motorista na iwasan ang mga apektadong kalsada at  dumaan sa mga alternatibong ruta sa oras ng parada:

Northbound

  • Skyway

  • Buendia Ave.

  • Taft Ave.

  • F.B Harrison St.

  • Mabini St.

  • Pres. Quirino

  • Lacson Ave.

Southbound

  • Roxas Blvd.

  • UN Ave.

  • San Marcelino

  • Quirino Ave. to SLEX

Pangungunahan ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo ang parada na magsisimula ng alas-3 ng hapon sa Miyerkules, sa Aliw Theater sa Pasay City at matatapos sa Rizal Memorial Sports Complex. 

“Lahat ng 22 na atleta natin nasa iisang float. Sila lang ang pwede sa float,” ayon kay Artes. 

“So ‘yung float po para siyang MMFF (Metro Manila Film Festival). Siguro kaya dito sa MMDA inaatas ang parada kasi sanay na po tayo doon. Para po siyang MMFF na ginagamit ng float ng mga artista,” dagdag niya.

Matapos ang parada, magsasagawa ng maiksing programa sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex. 

“Approximate time is about 45 minutes, maximum, kasi pagod sa byahe ang ating mga atleta,” anang MMDA chairman. 

“Sa Rizal open siya for all but very short program lang at papakilala lang ang mga atleta,” patuloy niya.

Wika pa ni Artes, walang na-monitor na security threat kaugnay ng parada. Subalit, 300 MMDA personnel ang ide-deploy sa parada maging sa mga alternatibong ruta.

“We don’t expect na ganon kabigat ang traffic na idudulot ng parada. Siguro 5 minutes lang ang dudulot nito sa bawat stop, since stop and go lang naman tayo,” giit ng opisyal.

Nakakuha ang Pilipinas ng apat na medalya sa Paris Olympics, dalawang gintong medalya sa gymnastics mula kay Yulo at dalawang bronze medals mula sa kina Aira Villegas at Nesthy Petecio sa boxing. RNT/SA