Home NATIONWIDE Deliberasyon ng 2025 national budget umarangkada sa Senado

Deliberasyon ng 2025 national budget umarangkada sa Senado

MANILA, Philippines- Sinimulan ng Senado ang deliberasyon ng 2025 national budget sa pamamagitan ng inisyal na briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) nitong Martes.

Ayon kay Senador Grace Poe, chairman ng Senate committee on finance, sinimulan ng komite ang paghimay sa panukalang P6.352 trillion national budget sa susunod na taon sa pamamagitan ng DBCC meeting.

“Today’s hearing aims to shed light on how the budget aligns with our macroeconomic objectives and its anticipated effects across different sectors of our society,” ayon kay Poe sa kanyang opening remarks.

Sinabi ni Poe na magsisilbi ang panukalang fiscal plan bilang financial blueprint na nakadisenyo sa pagpapaunlad ng ekonomiya at pagpapaunlad ng lipunan sa ating bansa.

“As the voice of the Filipino people, we will ensure that the budget reflects our collective priorities and meets the diverse needs of our citizens. Through the power of the purse, we guarantee transparency, accountability, and prudent resource management,” wika ng senador.

Kasama niya sa DBCC briefing ang mga opisyal ng Department of Budget and Management, Department of Finance, National Economic and Development Authority, Office of the President, at Bangko Sentral ng Pilipinas.

Aniya, magkakaroon ng marathon budget hearing sa Senado na magsisimula sa Agosto 15 hanggang Oktubre 18.

Layunin ng komite na maisumite ang committee report sa 2025 national budget at aprubahan ito no Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa unang linggo ng Disyembre.

Naitanong ng media kay Poe kung magiging hamon sa kanya ang panukalang badyet dahil itinuturing na “election budget” sa pagsasagawa ng midterm poll sa susunod na taon.

“It’s always a challenge handling the budget,” ayon sa senador sa isang text message sa reporters.

“The money we will allocate comes from the hard work and tax contributions of our countrymen. We need to ensure that we are responsive to the needs of our people, handle the budget equitably, especially given our limited fiscal space, and with full transparency,” dagdag niya. Ernie Reyes