Home OPINION US NON-IMMIGRANT VISA APPLICANTS PARA SA ‘F, M AT J’, DAPAT...

US NON-IMMIGRANT VISA APPLICANTS PARA SA ‘F, M AT J’, DAPAT MAY PUBLIC SOCMED ACCOUNTS

164
0

LAHAT ng aplikante sa Pilipinas para sa F, M, at J non-immigrant visas ng embahada ng United States, kinakailangang i-set sa public ang kanilang social media accounts bilang bahagi ng mahigpit na proseso ng beripikasyon.

Ayon sa embahada, ang hak­­bang na ito ay bahagi ng pagsusuri upang matukoy ang pagkakakilanlan at pagiging kwa­lipikado ng mga aplikante na ma­kapasok sa teritoryo ng US.

Nakasaad sa abiso na mapapadali ang “vetting” na kailangan para sa pagkilala sa pagkatao ng aplikante at pagiging katanggap-tanggap sa US.
Kadalasang ginagamit na platform ang Facebook, Instagram, X (Twitter), Lin­kedIn, at YouTube.

Simula pa noong 2019, ki­nakailangan na ng US government ang mga aplikante na magbigay ng social media identifiers bilang bahagi ng kanilang aplikasyon sa visa, parehong para sa immigrant at non-im­migrant visas.

Ang “F visa” ay inilaan para sa mga nais mag-aral sa mga institusyong pang-akademiko sa US.

Ang “M visa” naman ay pa­ra sa mga vocational o hindi pang-akademikong kurso, ha­bang ang “J visa” ay para sa mga kalahok sa mga exchange visitor programs na karaniwang naka­tuon sa kultural o edukasyonal na palitan.

Ayon sa mga immigration ex­pert, ang ganitong hakbang ay maaaring ituring na “intrusive” ngunit bahagi ng ligal na karapatan ng isang bansa na alamin kung sino ang papayagang makapasok sa kanilang teritor­yo.

Makaaapekto ang mga so­­cial media account, ngunit posibleng maapektuhan ang aplikasyon kung makikita sa account ang mga post na naglalaman ng mga ekstremistang pananaw o ma­panirang impormasyon.

Sa kasalukuyan, walang binanggit na exemption para sa mga aplikante.

Ngunit may mga privacy at security advisory ang US Department of State na maaaring konsultahin ng publiko.

Batay sa datos, humigit ku­mulang 320,000 ang pino-pro­sesong aplikasyon sa visa ng embahada sa buong taon o katumbas ng halos isang libo bawat araw.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here