Home NATIONWIDE Villanueva magbibitiw kung mapatunayang ‘di pinalala ng reclamation ang pagbaha sa Bulacan

Villanueva magbibitiw kung mapatunayang ‘di pinalala ng reclamation ang pagbaha sa Bulacan

MANILA, Philippines – Nagbanta si Senate Majority Leader Joel Villanueva na magbibitiw kapag napatunayan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na hindi pinalala ng reclamation projects sa Manila Bay ang pagbaha sa Bulacan.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on public works hinggil sa pagbaha sa bansa, sinabi ni Villanueva na maraming Bulakeno ang nagsasabing lumala ang pagbaha sa lalawigan nang simulan ang reclamation projects sa Manila Bay.

Dahil dito, tinanong ni Villanueva si DPWH Secretary Manuel Bonoan kung may pag-aaral na isinagawa hinggil sa reclamation projects na dumagdag sa pagbaha.

“I won’t be able to offer an answer at this point of time because I don’t think any department has really gone into a technical assessment,” ayon kay Bonoan.

“Technically po… there’s nothing wrong with reclamation for as long as it will not impede the flow of the rivers going out of the bay because the bay is a very large body of water,” dagdag niya.

Pero, pinilit ni Villanueva si Bonoan na sagutin kung naiisip nitong nagpapalala sa pagbaha ang reclamation projects, pero hindi sumagot ang kalihim sa pagsasabing “cannot offer an answer.”

“Ako ho magsasabi sa inyo, secretary… may mga [undersecretary] po kayo taga-Bulacan, ang dami niyo ditong taga-Bulacan. Kung merong isa sa inyo na magsasabi na hindi nakasama na, na hindi tumaas ang baha dahil sa reclamation, magre-resign po ako,” ayon kay Villanueva.

Nilinaw ni Villanueva na hindi siya tumututol sa reclamation kung nalulungkot lamang siya sa basta na lamang pumayag ang pamahalaan sa proyekto sa Manila Bay.

Inimbestigahan ng Senado ang malawakang pagbaha sa Bulacan at iba pang bahagi ng bansa upang malaman ang kalagayan ng P125 bilyong flood control programs ng pamahalaan.

Naunang kinuwestiyon ni Senador Cynthia Villar si Bonoan kung hindi magreresulta ng pagbaha ang reclamation projects dahil mahaharangan nito ang daloy ng tubig mula sa Las Piñas at Bacoor river patungo sa Manila Bay.

“I’m asking you. I want your answer now because I’m not staying here forever. I just want to ask that question para linawin natin sa mga tao kasi maski sa press release niyo walang nagsasabi sa inyo na [to make it clear to the public necause even in your press release nobody says that] maybe part of the reason [of flooding] is the reclamation,” ani Villar.

Sinabi pa ni Villar na natatakot si Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga sa maiimpluwensiyang tao na nagsusulong ng reclamation projects sa Manila Bay. Ernie Reyes