Home NATIONWIDE VP Sara nagsalita ukol sa galos sa leeg

VP Sara nagsalita ukol sa galos sa leeg

MANILA, Philippines- Nagsalita si Vice President Sara Duterte nitong Martes hinggil sa umano’y galos nito sa kanyang leeg, na ipinagtaka ng netizens kung saan nanggaling.

Sa video na kumakalat sa social media, tinanong si Duterte sa Bisaya kung anong nangyari sa kanyang leeg.

“Sinubukan nila akong i-gurgur pero hindi sila nagtagumpay,” nakangiting tugon niya.

Unang napansin ang umano’y sugat ni Duterte sa leeg sa social media nang dumalo siya sa Independence Day celebration sa Davao City noong Hunyo 12.

Makalipas ang isang linggo, nagbitiw siya bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) at vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), epektibo sa Hulyo 19, 2024.

Sa kasalukuyan ay hindi pa nagbibigay ng karagdagang deyalye ang Office of the Vice President (OVP) ukol dito.

Iginiit ni Duterte na hindi kailangan ng interpretasyon ng pahayag niya sa video.

“Hindi naman na siguro kailangan i-interpret ‘yun. Very straightforward ‘yun. Tinanong ako kung ano ang sugat na nasa leeg ko at sinabi ko na sinubukan nila akong i-gurgur pero hindi sila nagtagumpay,” aniya sa ambush interview sa Cagayan de Oro.

“Silang lahat,” dagdag niya nang tanungin kung sino ang pinatutungkulan niya. RNT/SA