Home NATIONWIDE #WalangPasok sa ilang paaralan sa Negros sa `Extreme caution’ heat index

#WalangPasok sa ilang paaralan sa Negros sa `Extreme caution’ heat index

172
0

MANILA, Philippines – Nagsuspinde ng pasok sa mga paaralan ang lokal na pamahalaan sa Negros Occidental dahil sa inaasahang heat index na 40°C.

Ikinokonsidera ng PAGASA ang ganitong heat index sa kategoryang “extreme caution” level.

Sa ganitong lebel, ang tuloy-tuloy na exposure sa init ay maaaring magdulot ng heat cramps at heat exhaustion, habang may banta ng heat stroke sa patuloy na physical activity.

Ipinag-utos na ni Himamaylan City Mayor Raymund Tongson ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan.

“This suspension is implemented to prioritize the health and safety of our students and school personnel,” ani Tongson.

Ganito rin ang ginawa ni Mayor Matthew Malacon kung saan suspendido ang klase sa mga paaralan sa E.B. Magalona dahil sa mapanganib na heat index.

“Stay hydrated, Saraviahanon,” sinabi naman ni Malacon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here