Home OPINION WANTED ‘HONEST, STRAIGHT’ POLICE OFFICIALS

WANTED ‘HONEST, STRAIGHT’ POLICE OFFICIALS

BREAKING news. Hindi lang pala sina alyas ‘Gemar’ at ‘Bebet’ ang kumakaladkad sa tanggapan ng Philippine National Police chief   sa isyu ng payola kundi kung sino-sino pang mga aktibong pulis at sibilyan na kilalang ‘tong collectors’.

Bukod umano kay C,PNP ay ipinangongolekta rin daw nina ‘Gemar’ at ‘Bebet’ ang  Criminal Investigation and Detection Group –Crame at Regional   Special Operations Unit ng Police Regional Office 4A gamit sina Jonjon (Cavite), Magsino (Batangas) at Jack (Laguna, Rizal at Quezon).

Isang ‘Sgt Delfin’ aka Tata Parak ay kumikilos din sa CALABARZON, ganoon din sa Region 3 sa panghaharbat ng weekly tong payola sa mga vice operator.

Bago raw itong nagpapakilalang alyas ‘Colanding’ sa grupo nang gumagasgas sa pangalan  ng PNP Chief, CIDG at PRO 4A kasama sina Adlawan,  Arquilles, Sgt Sandoval, Richard at Sgt  Panganiban sa pag-iikot sa mga iligalista.

Ito ang matindi, isang alyas ‘Aclang’ ang pumoporma ngayon sa PRO 4A upang makuha ang  pangangasiwa sa over-all tong collection sa rehiyon, para raw sa CPNP, CIDG at  police regional command.

Susmaria, nasisira ang PNP at iba pang tanggapan ng pulisya dahil sa panggagamit sa kanilang mga pangalan sa ‘kolek-“tong” activity ng mga  damuhong ito.

*******

Tuwing may bagong talagang hepe ang Pambansang pulisya  ay naging kaugalihan at kalakaran na ang pagpapatupad ng malakihang reshuffle o re-organization sa PNP.

Matatapos na ang ‘one month’ na palugit niPNP chief P/Gen Rommel Francisco Marbil na walang  magaganap na galawan kaya inaabangan ang kanyang magiging desisyon – kung sino-sino ang mga matatanggal at  uupo sa pwesto.

Sana’y hindi na paiiralin ang  ‘bata-bata’ system  na naging kalakaran noong mga nakaraan na kapag malakas o bata ng maimpluwensya’t pakialamerong government official ay makukuha  ang pinapangarap na “juicy position”.

Ang CIDG, National Capital Region, PRO 4A, PRO 3, 1, 2 –ayon sa pagkakasunod ay juicy assignments na pinag- aagawan  ng mga aspiranteng regional at provincial directors at iba pang opisyal.

Real talk tayo. Hindi sa laki ng pondo ng regional police offices na ito kundi nagkalat ang gambling, paihi at iba pang vices kaya tinawag na juicy positions. ”Di ba, mga ‘intel’ officer, d’yan?

Pero Kung si Marbil ang masusunod, malinaw sa  mga pahayag na ‘the best of the best’ ang gustong opisyales na magiging kasama’t katuwang sa pagpapatakbo ng kanyang nagsisimula pa lamang na pamunuan.

Tama ang butihing PNP top cop,  pero bukod sa ‘cream of the crop’ na kriteria ay dapat  certified honest, straight police officials na hindi ipinagpapalit ang uniporme sa kinang ng pera para makamit nang tuluyan ng PNP ang tiwala ng sambayanan.