Home OPINION WANTED: SAFETY OFFICER

WANTED: SAFETY OFFICER

KABILANG sa pagpapaigting ng batas sa occupational safety and health ang pagkakaroon ng safety officer o SO sa bawat negosyo at aktibidades. Para sa kaalaman ng lahat, may multang P40K kada-araw ang maaaring ipataw ng Department of Labor and Employment sa alinmang kompanyang susuway.

Ayon sa talaan ng International Labor Organization, tinatayang umabot sa 2.3 M katao kada-taon 0 6K katao kada-araw ang namamatay sa buong mundo dahil sa work-related accidents at illnesses. Nakupo, kasama na rin sa listahan yung mga nasawi dahil sa sobrang ng init o lamig ng panahon.

Ayon sa batas, kailangang kumuha o mag-designate ng safety officer ang bawat establisimyento para masigurong tumatalima at naipatutupad ang requirements na nakatala sa isinusumiteng OSH program.

Maliban sa pagkakaroon ng accredited OSH practitioner o consultant na tanging labor department lamang ang may kapangyarihang magkaloob, may apat pang kategorya ng SO para ma-qualify sa isang kompanya.

SO1 ang tawag sa mga nakatapos ng DOLE-prescribed course na 10-Hr basic OSH course for SO1. Mas angkop ito para sa mga micro, small and medium enterprise o MSME at low risk establishment na kakaunti lamang ang empleyado. Magkahiwalay ang 40-Hr prescribed courses para sa general industry at 40-Hr course para sa construction industry. Ang makatatapos nito ay maaari nang hirangin ng establisimyento bilang SO2. Hindi kailangan ang experience sa qualification ng SO1 at SO2.

Sa kaso ng SO3, kailangang may 2 taon na experience bilang safety officer at dagdag na 48 hours advanced o specialized safety training course maliban sa natapos na 40-Hr prescribed courses na kinukuha rin ng isang SO2.

Mas mabigat naman ang requirement para maging SO4. Kailangang nagsilbi ka ng apat na taon bilang SO3. At maliban sa nakuha niyang 40-Hr prescribed course, kailangan niya ring tapusin ang 80 hours advanced o specialized safety training courses kabilang din ang 320 hours na sama-samang related training at experience.

Kinakailangan lamang na isumite ng bawat aplikante ang kopya at orihinal na training documents, certificate of employment at iba pang mahahalagang papeles sa human resource department para maibigay ang official appointment ng aplikante kung sakaling makapasa sa evaluation at selection process.