Home OPINION WHO WANTS TO BE A MILLIONAIRE?

WHO WANTS TO BE A MILLIONAIRE?

229
0

MOST wanted na naman si Atong Ang. Ipinahamak siya ng mga manok.
***
Para maaresto ay nag-alok ang mga awtoridad ng P10 milyong piso sa makapagbibigay ng impormasyon para siya ay maaresto.
Who wants to be a MILLIONAIRE?
***

Tinanggihan daw ni Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla ang P1 bilyon bilang suhol sa kanya ng mga sangkot sa flood control scandal.
E ‘di wow!
***

Pati raw ang kanyang utol na si Ombudsman Boying e sinusuhulan din ng P1 bilyon ngunit humindi rin ito.
Kwento n’yo ‘yan sa pagong!
***

Sa kwento ng magkapatid na pagtanggi nila sa suhol e gusto ko tuloy PUMALAKPAK.
At HUMAGALPAK na rin ng TAWA.
Bwar, har, har! Sige bolahin n’yo pa kami!
***

Ayaw pang sukuan ni Pangulong Bongbong Marcos ang ICI (Independent Commission for Infrastructure) sa pagsasabing hindi pa ito mabubuwag.
TULOY ANG PAGTATAKIP. Ehek!
***

Sa nalalapit na pagsasara ng ICI, mukhang masasarhan na rin ang marami pang kaso ukol sa flood control scandal.
Tapos ipapasa ang ibang kaso sa Ombudsman.
Yan ang tinatawag na ‘YARI NA ANG BUTO-BUTO’.
***

Ang sipag ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon sa pag-iinpeksyon sa Maharlika Highway, partikular sa mga kalsada patungong Quezon at Bicol province.

Kitang-kita na ang dami-daming lubak-lubak na highway.
Tiyak na may mga PAPALDO na namang kontraktor. Hmmm!

Bonoan out, Dizon in!
***

Umuwi na pala sa bansa si Ex-DPWH Secretary Manuel Bonoan mula sa Amerika, ayon sa pagkumpirma ng Bureau of Immigration.
TAPOS NA SIGURO ANG KANYANG SCRIPT.

Kaya tuloy na ang SARZUELA sa Senado!
Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here