Home OPINION WOMAN IN WATER LEADERSHIP AWARD, PINARANGALAN SA WORLD WATER DAY PHILIPPINES AWARDS

WOMAN IN WATER LEADERSHIP AWARD, PINARANGALAN SA WORLD WATER DAY PHILIPPINES AWARDS

162
0

SA gitna ng lumalalang hamon ng pagbabago ng klima, mahaha­lagang papel ng mga kababaihan sa pangangalaga ng likas na yaman. Ito ang naging sentro ng ginanap na World Water Day Philippines Awards sa Diamond Hotel, kung saan pinarangalan ang mga indibidwal at organisasyong nagsusulong ng water sustainability sa bansa.

Alinsunod sa tema ng World Water Day 2026 na “Water and Gender,” binigyang-diin ang mahalagang kontribusyon ng mga babaeng lider sa pagpapanatili ng seguridad sa tubig. Ang prestihiyosong Woman in Water Leadership Award ay igi­nawad kina Jacqueline A. Caancan at Alma L. Abrasaldo para sa ka­nilang dedikasyon sa sektor. Ki­nilala rin bilang Outstanding Women Leaders sina Engr. Liza B. Silerio, Dr. Jessica C. Salas, at Ms. Eileen L. Dela Vega.

Isa sa mga naging tampok sa parangal ang Kalipunan ng Li­ping Pilipina (KALIPI)–Donsol, Sor­­so­­gon. Ang grupong ito ay nagpakita ng inobasyon sa pa­mamagitan ng paggawa ng mga marketable products mula sa basurang plastik, na hindi lamang nakatutulong sa kalinisan ng katubigan kundi nagbibigay din ng kabuhayan sa kanilang komunidad.

Ayon kay Maynilad President at CEO Ramoncito S. Fernandez, ang proteksyon ng tubig ay isang kolektibong responsibilidad. “Ang inyong gawa ay nagsisil­bing inspirasyon. Ang pangangalaga sa ating yamang-tubig para sa susunod na henerasyon ay na­ngangailangan ng kooperasyon at pagkakaisa,” aniya.

Sumang-ayon din si DENR Secretary Juan Miguel T. Cuna, na nagsabing ang pagpapanumbalik ng mga watershed ay susi sa pangmatagalang seguridad sa tubig. Ang seremonya ay dinaluhan din ni NWRB Executive Director Dr. Sevillo D. David Jr., sa pagkilala sa kabuuang 24 na awardees.

Ang taunang para­ngal na ito ay patunay na ang sektor ng tubig ay hindi lamang usapin ng imprastraktura, kundi usapin din ng pagkakapantay-pantay at dedikasyon ng mga lider na handang manindigan pa­ra sa kalikasan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here