Home NATIONWIDE Zubiri nangako sa pagpasa ng NIR bill sa Disyembre

Zubiri nangako sa pagpasa ng NIR bill sa Disyembre

MANILA, Philippines – Nangako si Senate President Juan Miguel Zubiri na maipapasa ang Negros Island Region (NIR) bill sa Mataas na Kapulungan pagsapit ng Disyembre ngayong taon.

“I committed that before we go on a break in October, we will be able to at least tackle it, debate on it. We’re hoping to do the second reading before (the) end of September. At the very latest, it would be passed into law before Christmas. Our Christmas gift to the region, as long as it will not be vetoed,” sinabi ni Zubiri sa press briefing nitong Sabado, Agosto 12.

Ani Zubiri, makikipag-usap siya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tungkol sa NIR bill habang kinikilala na hindi masigasig ang Department of Budget and Management sa paglikha ng mas marami pang rehiyon at departamento.

Wala naman umanong tumututol sa mga kasamahan niya patungkol sa panukala.

“As far as I’m concerned, I’ve committed it to the people of Negros, I will pass it in the Senate,” dagdag pa niya.

Nagpahayag naman ng suporta sina Governor Eugenio Jose Lacson ng Negros Occidental at Manuel Sagarbarria ng Negros Oriental sa paglikha ng NIR.

Sa Senado, nauna nang inaprubahan ng committee on local government ang Senate Bill 1236 na naglalayong likhain ang NIR upang palakasin ang “efficiency” sa paghahatid ng government services at mapadali ang buhay ng mga residente sa layon ng administrasyong rightsizing.

Noong Marso, nakapasa na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7355 sa Kamara.

Sa “An Act Establishing the NIR, and Appropriating Funds Therefor,” ang NIR ay bubuoin ng mga munisipalidad at barangay ng
Negros Oriental, Negros Occidental at island province ng Siquijor. RNT/JGC