Home NATIONWIDE 15K kilo ng kamatis na lumiit sa sobrang init, ipinamigay na lang

15K kilo ng kamatis na lumiit sa sobrang init, ipinamigay na lang

MANILA, Philippines – DAHIL sa matinding init, isang magsasaka sa sa Cebu City ang namimigay ng 15,000 kilo ng kamatis matapos maapektuhan ng El Nino phenomenon ang laki ng mga kamatis.

Sinabi ni Emelio Secretaria, may-ari ng farm sa Barangay Sudlon Dos sa Cebu City, ang mga kamatis na tumubo ay masyadong maliit at hindi pumasa sa pamantayan ng mamimili. Ang mga kamatis, aniya, ngayon ay parang cherry tomatoes, ngunit nananatiling nakakain.

“Wala nami tubig ika-bisbis mao dili na kaayo ma-market, ” ayon kay Secretaria.

Kaugnay nito sinabi ni Cebu City Councilor Jun Alcover, chairman ng committee on agriculture, na dapat i-export ang mga kamatis ngunit hindi na maaaring tumubo dahil sa init.

Samantala humingi ng tulong si Secretaria sa mga kalapit na residente at Alcover sa pagtatapon ng pananim. Aniya, mahigit P300,000 ang nalulugi sa kanya dahil sa nabigong ani.

Sinabi ng magsasaka na hindi niya ibinebenta ang mga kamatis dahil mas malaki ang mawawala sa kanya sa pagkuha ng karagdagang mga tao na mag-aani at magbenta nito.

Bukas ang bukid sa mga gustong pumunta at mamitas ng mga kamatis.

Ilang daang kilo rin ang kinuha ni Alcover para ipamahagi sa Cebu City Hall. Santi Celario