Home METRO Davao police blangko sa kinaroroonan ni Quiboloy

Davao police blangko sa kinaroroonan ni Quiboloy

DAVAO  — Sinabi ng Police Regional Office XI at ng Davao City Police Office (DCPO) na wala pa rin silang ideya sa kinaroroonan ng televangelist na si Apollo Quiboloy, na nahaharap sa mga alegasyon ng human trafficking at sexual abuse.

Sinabi ni DCPO spokesperson Police Capt. Hazel Tuazon na hinihintay pa nila ang kopya ng arrest order mula sa Senado, gayundin ang koordinasyon mula sa sergeant at arms ng Senado para aksyunan ang usapin.

Nauna nang sinabi ni Tuazon na ang sergeant at arms ng Senado ay dapat makipag-ugnayan sa lokal na pulisya upang maiwasan ang posibleng kaguluhan sa pagsisilbi ng arrest order, dahil maraming tagasuporta si Quiboloy.

Sinabi rin ni PRO XI spokesperson Police Maj Catherine Dela Rey na handa silang ipatupad ang arrest order.

Hindi naman nagbigay ng komento si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte tungkol sa arrest order laban kay Quiboloy.

“Ayokong magkomento dahil national matter ‘yan, at iba ang pinag-uusapan natin dito,” aniya. RNT

Previous article60K manok sa Leyte pinatay vs bird flu
Next article400 NPA nalagas sa 1st Quarter ng 2024 – NTF-ELCAC