Home NATIONWIDE Mapanuepe Lake bantay-sarado na ng mga pulis sa nakawan sa mga turista

Mapanuepe Lake bantay-sarado na ng mga pulis sa nakawan sa mga turista

MANILA, Philippines – Kasunod ng mga sumbong ng nakawan sa mga turista na bumibisita sa Mapanuepe Lake sa San Marcelino, Zambales, nangako ang lokal na pamahalaan na magiging bantay-sarado na ito ng mga pulis.

Ayon kay Maj. Marvin Domacena, hepe ng municipal police station, ilang turista ang nagsumbong na nawalan ng camera at relo habang bumibisita sa sikat na freshwater lake sa Barangay Buhawen noong nakaraang linggo.

Ani Domacena, mahigpit ang ugnayan ng lokal na pulisya, mga opisyal ng barangay at pamunuan ng Mapanuepe Lake para tugunan ang insidente.

Nitong Martes, Abril 16, sinabi ni Mayor Elmer Soria na naaalarma siya sa insidente ng mga nakawan at ipinag-utos ang imbestigasyon kaugnay dito.

Sa ngayon ay humiling muna si Soria sa mga turista na ingatan ang mga gamit habang bumibisita sa naturang tourist spot. RNT/JGC