Home NATIONWIDE Mga netizen pinuri ng DENR sa pagpapaviral ng illegal na istruktura sa...

Mga netizen pinuri ng DENR sa pagpapaviral ng illegal na istruktura sa Bohol, Davao

MANILA, Philippines – Pinuri ng Department of Environment and Natural Resources nitong Huwebes, Marso 21 ang mga netizen sa paglalantad ng mga illegal na istruktura katulad ng mga resort sa protected areas sa bansa kabilang na ang Chocolate Hills sa Bohol at Mount Apo sa Davao.

Ayon kay DENR Undersecretary Carlos Primo David, imposible kasi nilang mamonitor ang lahat ng protected areas sa bansa sa lahat ng oras.

“We are thankful to the citizens on social media for pointing out all these structures, which are in most cases illegal, for building on protected areas,” ani David.

Kasalukuyang nagsasagawa ng magkahiwalay na imbestigasyon ang DENR regional offices sa mga istrukturang ito sa Mount Apo at Bohol.

Ani David sa panayam, hindi pwedeng utusan ng DENR na ipagiba ang mga istrukturang ito dahil mandato umano ito ng lokal na pamahalaan at pulisya.

Sa kaso ng Captain’s Peak Resort sa Sagbayan, Bohol, posibleng magmulta ng P50,000 ang pamunuan ng resort sa pag-ooperate na walang kaukulang environmental compliance certificate.

Wala ring water permit ang resort mula sa National Water Resources Board.

“Lahat ng tubig sa Pilipinas, sa ulan o creek, bukal o groundwater is owned by the state. Every time you extract water for your own purposes, you need a water rights permit,” pahayag ni David, sabay-sabing posibleng isara ng DENR ang daluyan ng tubig kung mapag-aalaman na nakasisira ito sa kalikasan.

Bagamat kumpleto ng kaukulang mga permit mula sa lokal na pamahalaan, wala naman itong nakuha mula sa national agencies. Kailangan ito kung ang istruktura ay itatayo malapit sa strict protected zone.

Nang tanungin naman kung pananagutin ang lokal na pamahalaan sa pagpayag sa konstruksyon ng Captain’s Peak resort, ani David: “Definitely people on the ground would have known na may ganitong proyekto.” RNT/JGC

Previous articleMedical cannabis magiging abot-kaya sa mga may karamdaman ‘pag naisalegal – eksperto
Next articleGuesting ni Vice sa KMJS, inaabangan!