Home METRO Miyembro ng crime group tiklo sa baril sa Taguig

Miyembro ng crime group tiklo sa baril sa Taguig

MANILA, Philippines – Isang miyembro ng kilabot na Carlo De Vera Drug Group ang nalambat ng mga tauhan ng Taguig City police nitong Biyernes, Marso 22.

Kinilala ng Taguig City police ang nadakip na suspect sa alyas lamang na Bilog, 21.

Sinabi ng Taguig police na inaresto si alyas Bilog sa Barangay Rizal bunsod sa impormasyon na natanggap ng pulisya mula sa concerned citizens ng nabanggit na lugar tungkol sa kahina-hinalang kilos ng isang lalaki na armado ng baril.

Agad na rumesponde ang mga operatiba sa lugar kung saan nakuha sa posesyon ng suspect ng isang kalibre .38 rebolber na kargado ng dalawang bala na tuluyan nang kinumpiska ng mga awtoridad.

Sa isinagawang pagsaliksik sa rekords mula sa Crime Information, Reporting, and Analysis System (CIRAS) ng Philippine National Police (PNP) ay nadiskubre ang kinahaharap ni alyas Bilog na kasong murder case sa Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 70 noong Hulyo 12, 2021.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility si alyas Bilog na nahaharap sa mga kasong murder at paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act). James I. Catapusan

Previous articleTINGNAN: Eksena ngayong Linggo ng Palaspas
Next articleScolio ni Cat, lumalala!