Home NATIONWIDE NTC tatalupan ng solon sa suspensyon ng SMNI

NTC tatalupan ng solon sa suspensyon ng SMNI

MANILA, Philippines- Naghain ng isang resolusyon si Senador Robin Padilla upang paimbestigahan ang patuloy na suspensyon ng Sonshine Media Network International (SMNI) sa paniniwalang nilalabag ng National Telecommunications Commission(NTC) ang prinsipyo ng press freedom.

Pag-aari ni Pastor Apollo C. Quiboloy bilang chairman ng Sonshine Media Network International (SMNI) na sinuspinde ng NTC hinggil sa ilang paglabag sa prangkisa nito.

Sa kanyang paghahain ng resolusyon, tinanong ni Padilla kung nilalabag ng NTC ang press freedom na nakatakda sa Saligang Batas, sa suspensyon ng SMNI.

Ayon kay Padilla, inihain ang resolusyon “in aid of legislation” na nakatakdang likhain pagkatapos ng imbestigasyon.

“The imposition of baseless suspension orders on SMNI not only constitutes a denial of due process but also an erosion of press freedom,” ani Padilla sa kanyang resolusyon, kung saan hahawak sa pagdinig ang Senate Committee on Public Information and Mass Media na kanyang pinamumunuan.

Dagdag ni Padilla, hindi maaaring labagin ang karapatan ng taumbayan sa pampublikong impormasyon na kailangan para makagawa ng mabuting desisyon ang taumbayan.

Sa kanyang resolusyon, iginiit ni Padilla na ipinunto ng Korte Suprema mismo, sa Chavez vs Gonzales (2008), na ang kalayaan sa pamamahayag ay “crucial and so inextricably woven into the right to free speech and free expression, that any attempt to restrict it must be met with an examination so critical that only a danger that is clear and present world would be allowed to curtail it.”

Aniya, wala pa ring malinaw na paliwanag mula sa National Telecommunications Commission (NTC) – na nagsuspinde sa operasyon ng SMNI mula pang katapusan ng 2023 at nag-isyu ng indefinite suspension sa SMNI nitong Enero – kung bakit kailangan nitong gawin ito, “much more express how this is necessary to avoid serious and irreparable damage or inconvenience to the public or to private interests.” Ernie Reyes