Home METRO 2 mangingisda nasagip sa nagliyab na bangka

2 mangingisda nasagip sa nagliyab na bangka

MANILA, Philippines- Nasagip ang dalawang mangingisda matapos magliyab ng kanilang motorized banca sa Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Sinabi ng mga awtoridad na nagkaaberya ang fishing boat hanggang masunog ito habang naglalayag sa karagatan.

“While pumapalaot ‘yung bangka ay naka-encounter sila ng engine failure, engine trouble at nagresulta sa lumabas na ang puting usok hanggang sa nagkaapoy,” pahayag ni Coast Guard Sub-Station Jose Abad Santos Commander, Ensign Glen Ytang.

Nagmula ang mga mangingisda sa Balut Island at pauwi na sana sa Barangay Balangunan nang maganap ang insidente.

“Advice ko lang po sa mga mangingisda, kung diyan sa part ng Balut (Island) to (Brgy.) Balangunan, agahan nila ang pag-alis galing sa Balut (Island) para hindi sila maka-encounter ng mga malalakas na mga alon,” dagdag ni Ytang. RNT/SA