Home METRO P20M droga nasabat sa Pasay

P20M droga nasabat sa Pasay

MANILA, Philippines — Arestado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug suspect na nakuhanan ng humigit-kumulang P20 milyong halaga ng shabu sa Pasay City nitong Lunes Santo.

Sa isang ulat, sinabi ng PDEA na ang mga operatiba nito, kasama ang mga mula sa Ninoy Aquino International Airport – Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, ay nabingwit si Mohammad Bagatao, alyas Joseph Acogido, sa Central Mail Exchange Center, Domestic Road sa Pasay City.

Nakuha sa kanyang mga gamit ang 3,000 gramo ng shabu na inilagay sa tatlong pouch na tinatayang nagkakahalaga ng P20,400,000.

Narekober din kay Bagatao ang mga identification card mula sa Bureau of Internal Revenue at Philippine Health Insurance Corporation, at iba pa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA ang suspek at mahaharap sa pormal na reklamo dahil sa paglabag sa Section 4, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT

Previous article2 environmentalist dinukot sa Pangasinan
Next article3 obrero patay sa sulasok sa manhole sa QC