Home OPINION 16 AFFIRMATIVE VOTES TO CONVICT VP SARA

16 AFFIRMATIVE VOTES TO CONVICT VP SARA

1
0

ISA sa pinakamahalagang alituntunin ni Sen. Francis “Chiz” Escudero bilang presiding officer ng impeachment court ay 16 affirmative votes to convict. Maliban na lamang kung iba ang magiging hatol ng Korte Suprema kung idudulog ang isyung ito sa isang petition for certiorari.

Wala ni isa sa senator judges ang kumontra. Walang nag-motion na pagbotohan ng impeachment court ang kanyang panuntunan. At malamang walang balak ang prosekusyon na iakyat sa Korte Suprema ang ruling na ito.

Malinaw na two thirds vote of all members of the Senate ay two thirds vote of the 24 members of the Senate ang kailangan to convict Vice President Sara.

E bakit ganoon, 21 senator judges lamang ang present noong nagsimula ang impeachment trial?

Dahil ang tatlo senador (Marcoleta, Estrada at De la Rosa) ay nananatiling senador pa rin. Nakapag-oath na sila as senator- judges.

Kahit absent sila sa simula ng trial, kasama pa rin sila sa bilang? Maliwanag ang nakasaad sa Saligang Batas na:

NO PERSON SHALL BE CONVICTED WITHOUT THE CONCURRENCE OF TWO THIRDS OF ALL THE MEMBERS OF THE SENATE.

Dito makikitang ang MANDATORY VOTE ay sa CONVICTION at hindi ‘during the trial’. Ito ay dahil ang paghatol ng impeachment court ay pagkatapos ng trial. Doon kailangan ang two thirds vote. Kaya nga noon pinagbotohan kung pwede si Sen. Chiz Escudero ang mag-preside ng impeachment court ay majority lamang ng present senators ang kailangan.

Sa tagal ng impeachment trial ay maraming pwede mangyari para maging present lahat ng 24 senators. Maaaring makapaglagak ng piyansa ang mga nakakulong, lumitaw ang wala. Madagdagan ang nakakulong, bumiyahe abroad, mag leave etc. PERO WALANG PAGBABAGO SA MATH NG SALIGANG BATAS. Kahit hindi naka-attend ng trial? Oo, dahil may transcript, videos, documents at iba pa na maaaring pagbasehan ng kanilang pasya.

Para din kasing hearing ng isang kaso ng isang judge pero hindi niya natapos ang paglilitis dahil nag-resign, kinamatayan, natanggal o anoman, ang magbibigay ng hatol ay ang bagong judge kahit hindi siya present sa trial dates.

So, 16 na ba? Nagpasya na ang presiding officer, walang tumutol. At dahil sa “THE SENATE SHALL HAVE THE SOLE POWER TO TRY AND DECIDE ALL CASES OF IMPEACHMENT,” maaari lamang pumasok ang Korte Suprema kung may grave abuse of discretion ang presiding officer ng impeachment court.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here