Home OPINION 1,600 KATAO NAKIBAHAGI SA 2025 NATIONAL PESO CONGRESS

1,600 KATAO NAKIBAHAGI SA 2025 NATIONAL PESO CONGRESS

372
0

NOONG ika-15 ng Oktubre 2025, pinangunahan ni Labor Secretary Bienvenido E. Laguesma ang pagdiriwang ng 25th National PESO Congress sa Tagaytay City.

Lumagda ang DOLE sa isang Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Department of Education (DepEd), Department of Science and Technology (DOST), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Professional Regulation Commission (PRC), Commission on Higher Education (CHED), PESOMAP, at Federation of Career Guidance Advocates Network of the Philippines, Inc. (FCGANP), alinsunod sa layu­nin ng administrasyong Marcos Jr., na tugunan ang hindi pagkaka­tugma ng kasanayan sa trabaho para sa pagpapatupad ng Ca­reer Development Support Prog­ram (CDSP).

Layunin ng CDSP na mag­bi­gay ng career guidance at sup­port services, gamit ang napapanahong labor market in­formation upang tugunan ang mga kakulangan sa kakayahan sa pagtatrabaho, tulad ng job search skills, personal and environmental factors, at industry-specific skills shortages, sa pamamagitan ng pagtatatag ng Career Development Support Program–Working Group na mag­sisilbing tagapangasiwa.

Itinampok sa ikalawang araw ng Kongreso ang plenary session na idinisenyo upang matu­lungan ang mga PESO at JPO na higit na maunawaan ang mga kasalukuyang direksyon ng polisiya, mga pagbabago sa batas, at itinalagang mandato ng institusyon; pagbuo ng mga magkakaugnay na estratehiya; at pagbabahagi ng mga pinakamahusay na kasanayan sa pa­ngangasiwa ng trabaho.

Kabilang sa mga tinalakay ang papel ng PESO sa pagpapatupad ng Trabaho Para sa Bayan Act, mga pandaigdigang inobas­yon sa mga serbisyong pantrabaho sa publiko, pagsusulong ng inklusibong trabaho para sa mga taong may kapansanan, at pagpapatupad at pamamahala ng AI sa mga serbisyong pantrabaho sa publiko.

Sinasalamin ang mensahe ng Pangulo na ang tunay na lakas ng bansa ay nasa mamamayan nito, binigyang-diin ni Assistant Secretary for Employment and Human Resource Development Joel M. Gonzales ang panga­ngailangan para sa magkakaugnay, at maayos na estratehiya sa pamamahala ng paggawa upang matiyak na epektibong natutugunan ng lakas-paggawa ng bansa ang umuunlad na pa­nga­ngailangan ng mga employer.

“Ang mga sesyon na ito ay nagbigay sa atin ng direksyon kung saan patungo ang ating mga serbisyo sa pangangasiwa ng trabaho upang ating matiyak na tumutugon ito sa pangangai­langan ng mga manggagawa at iba pang aspetong panlipunan na nagtutulak ng pagbabago,” wi­ka ni Assistant Secretary Gon­zales.

Samantala, nanumpa sa ha­rap ni Secretary Laguesma ang mga bagong halal na opisyal ng PESO Managers Association of the Philippines, Inc., na pinangu­nahan ni President-elect Romualdo Garcia mula sa Region IV-A. Sa ilalim ng bagong pamumuno, patuloy na isusulong ng PESOMAP ang pangangasiwa ng trabaho at serbisyo sa merkado ng paggawa sa buong bansa.

Humigit-kumulang 1,600 ka­lahok, kabilang ang mga mana­ger at staff ng PESO at JPO, mga opisyal ng lokal na pamahalaan, career guidance advocates, ga­yundin ang mga regional imple­menter ng DOLE, ang nakibahagi sa 2025 National PESO Cong­ress na inorganisa ng DOLE sa pamamagitan ng Bureau of Local Employment, sa pakikipagtulungan ng PESOMAP at DOLE CALABARZON bilang host nga­yong taon.

Ang kaganapan na may te­mang, “PESO: Dalawampu’t li­mang taon ng matatag at ma­ayos na paglilingkod tungo sa Bagong Pilipinas,” ay nagmarka rin sa ika-25 anibersaryo ng Republic Act No. 8759, na kilala rin bilang PESO Act of 1999.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here