Home METRO 3 Vietnamese national timbog sa illegal practice of medicine

3 Vietnamese national timbog sa illegal practice of medicine

MANILA, Philippines- Nadakip ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) ang tatlong Vietnamese sa Cavite dahil sa umano’y pagsasagawa ng cosmetic procedures nang walang kaukulang medical license sa bansa.

Tinukoy ng PNP nitong Linggo ang Vietnamese nationals na sina Dr. Julie Nguyen, Dr. Luna Pham, at Dr. Ryan Truong, na umano’y nagpakilalang mga doktor at nagsagawa ng pagtuturok ng stem cells, hair regrowth, body sculpture, bio stimulation collagen, at derma-related producers sa Imus, Cavite.

“However, they failed to present the required medical licenses and permits to dispense medical products, operate a medical facility, or practice medicine in the Philippines,” anang kapulisan.

Sinabi ng ahensya na nakumpiska nito ang mga kahon ng iba’t ibang gamot, medical at cosmetic products at mga kaugnay na kagamitan, maging mga notebook na naglalaman ng dokumentasyon ng medical procedures, prescription medications, at mga resibong inisyu sa mga kliyente.

“The illegal practice of medicine poses a serious threat to public health, and CIDG will continue to go after individuals who engage in these unlawful activities,” giit ng PNP.

“This operation is a warning to all criminals, local or foreign, that the CIDG is unyielding and steadfast in catching all of you to prevent and solve crimes. We encourage the public to report any illegal practice of medicine and other criminal activities in your localities and CIDG will do the rest,” dagdag nito. RNT/SA