Home NATIONWIDE Mayorya ng mga Pinoy kuntento sa trabaho ng AFP – sarbey

Mayorya ng mga Pinoy kuntento sa trabaho ng AFP – sarbey

MANILA, Philippines- Sinabi ng mayorya ng adult Filipinos na aprubado nila ang performance ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ika-apat na quarter ng 2024, base sa resulta ng commissioned survey ng OCTA Research. 

Batay sa survey na isinagawa noong November 10 hanggang 16, 2024, 76% ng adult Filipinos ang kuntento sa overall accomplishments ng military forces ng bansa, habang 2% ang dissatisfied, nagresulta sa net satisfaction rating na +74.

Nakakuha rin ang AFP ng +73 net trust rating, lumabas sa survey results na nasa 75% ng adult Filipinos ang nagtitiwala sa AFP, habang 2% ang hindi.

Mas mababa naman ang net trust rating ng AFP sa Q4 ng 2024 mula December 2023.

“These findings highlight the widespread public trust and approval of the AFP. Across various regions and demographics, Filipinos continue to recognize the AFP’s commitment to safeguarding the nation and addressing evolving security challenges,” anang OCTA. 

Gumamit ang survey ng face-to-face interviews sa 1,200 adults sa buong bansa. Mayroon itong ±3% margin of error sa 95% confidence level. RNT/SA