Home NATIONWIDE Sibuyas na idineklarang frozen fish egg balls buking; consignee kalaboso

Sibuyas na idineklarang frozen fish egg balls buking; consignee kalaboso

MANILA, Philippines- Naghain ng reklamo ang Department of Agriculture (DA), sa pamamagitan ng Bureau of Plant Industry (BPI), laban sa Chastity Consumer Goods Trading sa paglabag sa Food Safety Act at sa Plant Quarantine Law, matapos ang umano’y maling pagdeklara ng kompanya sa imported onions bilang processed food.

Sinabi ng DA nitong Linggo na ikinasa ang reklamo matapos dumating ang dalawang container vans na naka-consign sa Chastity sa Port of Subic noong August 2024. Tinukoy din ang Chastity owner at president na si Lina Bang Talan bilang respondent sa kaso.

Batay sa DA, idineklara ang mga kargamento bilang frozen fish egg balls, subalit sa pagsisiyasat ay natuklasang naglalaman ito ng nasa 6,395 stacks ng yellow onions na walang kaukulang sanitary at phytosanitary import clearance.

Ayon sa DA, lumabas sa mga pagsusuring isinagawa ng BPI sa mga sibuyas na mayroon itong mataas na lebel ng microbiological contaminants, kabilang ang E. coli, kaya hindi ito ligtas kainin. Hindi rin registered importer ang consignee, ang Chastity Consumer Goods, sa BPI.

“The complaint highlighted the risk posed by the misdeclaration, noting that the absence of proper permits and inspections could potentially endanger public health and safety,” pahayag ng Agriculture Department. RNT/SA