Home OPINION 5 SENADOR IKUKULONG SA IMPEACHMENT?

5 SENADOR IKUKULONG SA IMPEACHMENT?

344
0

PANAY balita ang mga makapangyarihan sa pamahalaan na may mga makukulong na senador kaugnay ng anomalya sa halos P1 trilyong flood control projects sa nakalipas na tatlong taon at war on drugs ni dating Pangulong Digong Duterte.

May lima sa mga senador ang sinasabing maaaresto at makukulong sa susunod na mga buwan at at least apat dito ang iniuugnay sa flood control scandal habang isa ang sa war on drugs ni dating Pangulong Digong Duterte.

Ang isa nga sa kanila umano at may warrant of arrest na.

Halimbawang magkatotoo na makulong ang mga sinasabing senador, malaki ang paniniwalang higit na konektado ang pagkakaso sa kanila sa pampulitikang usapin at hindi dahil sa iskandalo at giyera sa droga.

Pangunahing pampulitikang usapin ang halalang presidensyal 2028 at hindi kaya target dito si Vice President Sara Duterte na isa sa mga kakandidato?

Sakali mang walang maganap na matinding pangyayari at matutuloy ang halalang 2028, sinasabing may magtutuloy nang sinimulang kasong impeachment noong nakaraang Kongreso laban kay VP Sara.

Ayon sa desisyon ng Supreme Court na nagbasura sa impeachment laban kay VP Sara, pupwede ulit magsampa ang Kamara ng panibagong impeachment sa Pebrero 6, 2026.

Kasalukuyang 24 ang senador at 9 dito ang oposisyon na ipinagpapalagay na pro-Sara.

Dahil 2/3 ng 24 ang kailangan para sa matagumpay na pag-aalis kay VP Sara sa pwesto, 16 ang kailangan kaya kukulangin ang 13 na anti-Sara.

Posible bang magkakaroon ng takot ang mga nasa oposisyon at papanig sa mayorya at maabot nila ang 16 boto laban sa Bise Presidente?

Makaboboto ba ang mga makukulong at sino kaya sa mga ito ang babaligtad naman para marahil sa mga pansarili nilang interes…kung meron man?

Anong meron sa Palasyo na pinag-aagawan ng mga makapangyarihan sa lipunan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here