MEXICO – Patay ang anim na indibidwal habang sugatan ang 10 iba pa sa pag-atake ng mga armadong kalalakuhan sa isang bar sa Villahermosa, Tabasco, Mexico nitong Linggo ng madaling araw, Nobyembre 24.
Ayon kay state deputy prosecutor Gilberto Melquiades, pumasok ang mga armadong kalalakihan sa bar “looking for a specific person” saka pinaputukan ang mga naabutan.
Lima ang naabutang wala nang buhay sa lugar, habang ang isa ay namatay habang dinadala sa ospital.
Nangyari ang pamamaril halos dalawang linggo matapos din ang insidente ng shooting attack sa lungsod ng Queretaro. RNT/JGC