Home NATIONWIDE 63 Pinoy sa Haiti bigong mapauwi ng DMW

63 Pinoy sa Haiti bigong mapauwi ng DMW

MANILA, Philippines- Aminado ang Department of Migrant Workers (DMW) na hirap silang mapauwi ang 63 Pilipino mula sa Haiti sa gitna ng patuloy na karahasan.

Ayon kay DMW officer-in-charge Hans Cacdac, ito ay dahil sarado sa ngayon ang international airport at maging ang land travel ay may hadlang na sa ang biyahe sa kabisera.

Sa ngayon, sinabi ni Cacdac na tahimik na inaayos ang chartered flight pauwi.

Sinabi ni Cacdac na ang 63 Pilipino na nagpahayag ng kagustuhang ma-repatriate mula sa Haiti ay mapauuwi sa Pilipinas ngayong linggo.

Nauna nang itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang alert level sa Haiti sa 3, na nag-auutos ng boluntaryong pagpapauwi para sa mga Pilipino dahil na rin sa hindi magandang sitwasyon sa seguridad doon.

Karamihan sa169 naitalang  Pilipino sa Haiti ay naninirahan sa capital Port-au-Prince.

Sinabi ni Cacdac na nakikipag-ugnayan pa rin ang DMW sa DFA at sa Philippine Embassy sa Washington para sa repatriation ng mga Filipino na gustong umuwi.

Tumaas ang karahasan sa Haiti habang hinihintay ng mga mamamayan ang kapalit ni Prime Minister Ariel Henry na nagbitiw sa kanyang posisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleKonsolidasyon ng prangkisa ng ilang PISTON members binawi
Next articleShowtime, mapapanood na sa GMA; Vica Ganda, emosyonal!