Home ENTERTAINMENT Showtime, mapapanood na sa GMA; Vica Ganda, emosyonal!

Showtime, mapapanood na sa GMA; Vica Ganda, emosyonal!

Manila, Philippines- Red–which symbolizes good luck–was theĀ  color of the day for all the hosts of It’s Showtime.

Nitong hapon ng March 20, Miyerkules ay in full force ang mga hosts na nagtungo sa GMA para sa paglipat nito mula sa GTV.

Accompanied by ABS-CBN CEO and President Carlo Katigbak at ilang network bosses, present sila sa contract signing sa pagitan ng dalawang network kaugnay ng transfer.

Nauna nang naglabas ng give-away teaser ang Kapuso network sa Facebook: “Good news, Madlang pipol. Abangan!”

Mapapansing capitalized ang mga letrang G, M at A.

Bale sa April 6 magsisimulang mapanood ang Showtime sa GMA.

Doon na rin ipagdiriwang ng show ang ika-48 kaarawan ni Vice Ganda.

Of its hosts, tangingĀ  sina Anne Curtis, Karylle at Ogie Alcasid ang galing sa GMA bago lumipat sa ABS-CBN.

On their way to GMA ay sakay ng motorcade ang lahat ng mga hosts clad in red habang binabagtas ang daan patungo sa nilipatang istasyon.

Tulad ng unang napabalita, ang Showtime ang kapalit ng nakanselang Tahanang Pinakamasaya.

Direktang makikipagtunggali ang Showtime sa dati na nilang katapat sa pananghalian na Eat Bulaga sa TV5.

Nagsalita naman si Vice Ganda sa harap ng mga executives ng dalawang malalaking network at halos maiyak sa kanyang mensahe.

Magandang abangan ang ratings ng dalawang programa sa April 6.

Kayo, ano ang pusta n’yo? Ronnie Carrasco III

Previous article63 Pinoy sa Haiti bigong mapauwi ng DMW
Next articleMC taxi ops sa NCR ‘wag na lawakan para iwas-disgrasya – solon