Home OPINION 94 DEDO SA HK FIRE AT KALIGTASAN

94 DEDO SA HK FIRE AT KALIGTASAN

206
0

INIULAT na mayroon nang 94 patay sa malaking sunog sa Hong Kong.

Daan-daan naman ang hindi pa nakikita.

Malaki ang sunog dahil mula sa isang gusali, kumalat ang sunog sa pito mula sa walong gusali na may 2,000 apartment at mayroong 32 palapag bawat isa.

Hanggang sa oras na tinitipa ito, mga Bro, wala pang naiuulat na Filipino na nadamay.

Gayunman, dapat tayong magbantay dahil hindi madali ang pagkilala sa mga biktima at missing.

Ang pamahalaan, lalo na, ay dapat magtuon ng pansin dito upang mabilis na maalalayan ang mga Pilipinong maaaring biktima.

Ang pangyayari ay mahalagang pag-usapan naman para sa Pilipinas.

Napakaraming gusali sa ating bansa na matatayog at dikit-dikit.

Kung hindi man residential at condominium, may mga gusali na punom-puno ng tao at nag-oopisina, lalo na sa araw.

Gaano ba kaligtas ang lahat ng mga tao na nakatira at nagtatrabaho sa mga gusali natin?

Magandang magsagawa ang pamahalaan ng mga mahigpit na inspeksyon para tiyaking ligtas sa sunog ang mga ito.

Higit pa, dapat tiyaking magkaroon ng mabilis na paraan para sa pagliligtas ng mga tumatakas mula sa sunog.

Paano rin ang pagresponde ng mga kinauukulan sa mga masusugatan at mamatay at kanilang gastusin sa mga ospital at punerarya?

Dapat ding walang anomang anomalya sa mga imbestigasyon upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Dapat ding magkaroon ang mga kinauukulan ng mga pag-aaral upang sa susunod na mga panahon, maiiwasan ang ganitong mga sakuna.

Ngunit pansamantala, ang pagbabantay sa sakuna sa Hong Kong ay mahalaga.

Paalalahanan din dapat ang lahat ng ating overseas Filipino worker at iba pa na tumitira sa matatayog na gusali na kabilang sa mga unahin nilang bigyan ng pansin ang kung paano sila makaliligtas kung may mga sunog.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here