Home OPINION PRO3 COPS ‘READY TO RUMBLE’ VS PAGS, HIRED KILLERS

PRO3 COPS ‘READY TO RUMBLE’ VS PAGS, HIRED KILLERS

244
0

NEWS Flash – sa usaping droga, sabi ni Derick Carreon ng Philippine Drugs Enforcement Agency, tatlong rehiyon ay nakapaloob sa ‘centers of gravity in the country’.

Ito ay ang Metro Manila, CaLaBaRZon at Central Luzon dahil maraming barangay na nasasakupan ng mga lugar na ito ay ‘severely affected’, ayon sa PDEA spokesman.

Hindi na nakapagtataka ang pahayag ni Carreon dahil kahit saan, lalo na sa mga lugar na  kinukunsinti  ang mga iligal na paboritong tambayan ng mga pusher at addicts.

Noon, sa lugar ng mga video karera nagkukumpulan at isinasagawa ang bentahan at paggamit ng shabu pero maiinit na sa pulisya kaya ngayo’y sa mga peryahan naman.

Sa area of responsibility halimbawa ni Batangas Provincial Director PCol. Jack Malinao, nagkalat ang perya nina Babes Panganiban at Babet Tomboy na ang katiwala ay mga pusher at adik daw.

Sa bayan ni Malvar Mayor Cristita Reyes, Lipa City Mayor Eric Africa at Nasugbu Mayor Jose Antonio Barcelon ay parang kabute raw ang  peryahan na front ng drug dealing.

Ayaw ni Philippine National Police chief PGen. Rommel Marbil ang ganyan kamalasaduhan ng pulis. Abangan.

                                   *******

Isa sa ‘hot spot’ na binabantayan tuwing sumasapit ang eleksyon ay ang Central Luzon dahil sa mainit na uri ng pulitika ng magkakatunggaling political figures.

Katunayan, kasagsagan pa lamang nang paghahain o filing of certificate of candidacy nang pagbabarilin si Bulacan ABC president at provincial board member Camilito Capistrano kasama ang kanyang bdriver sa Barangay Lipas, Malolos town.

Sa ulat, inihayag ng Regional Police Office 3 na   ipinagharap na ng kaso sa korte ang mga salarin –  ilan ay mahuli na at may natitira pang hinahanap ng  CL cops.

Kung babalikan ang nakaraan, – ang Gitnang Luzon ay lugar ng kaguluhan kapag eleksyon, partikular ang  Nueva Ecija na kuta ng private armed groups at hired killers.

Batid marahil ni Secretary Junvic Remulla ang election history ng CL kaya inunang dinalaw ang rehiyon ilang araw matapos matalagang top man ng Interior and Local Government.

Knowing newly appointed PRO3 director PBGen. Redrico Maranan, babantayan ang lahat ng sulok ng CL para maging peace and orderly ang election sa area of jurisdiction.

Para masigurong tahimik ang darating na election, ang PRO3 cops ay ‘ready to rumble’ versus PAGs at hired killers na lumalabas sa kanilang lungga kapag panahon ng halalan, ayon sa CL intel officer.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here