Home OPINION MAGNA CARTA PARA SA GOVERNMENT ACCOUNTANTS, ISINULONG NI SEN. BONG GO

MAGNA CARTA PARA SA GOVERNMENT ACCOUNTANTS, ISINULONG NI SEN. BONG GO

280
0

INIHAIN ni senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang Senate Bill No. 674 o panukalang “Magna Carta for Government Accountants” na layong bigyang-proteksyon, benepisyo at pagkilala ang mahalagang papel ng mga accountant sa pamahalaan.

Ayon sa senador, ang mga government accountant ang na­sa unahan ng laban para sa transparency at fiscal discipline, dahil sila ang nagbabantay laban sa pandaraya at katiwalian upang matiyak na ang pondo ng bayan ay nagagamit nang tama para sa kapakanan ng publiko.

Nakasaad sa panukala ang malinaw na tungkulin ng mga accountant at ang kanilang mga karapatan kagaya ng security of tenure, proteksyon laban sa hindi makatarungang paglilipat, at makatarungang proseso sa mga disciplinary cases.

Bukod dito, nakalagay rin ang pagbibigay ng karagdagang benepisyo kagaya ng subsistence allowance, longevity pay, remote assignment allowance, overtime at night differential pay, at compensation para sa work-related injuries. Isinama rin ang libreng taunang medical check-up, at akses sa mga trai­ning at patuloy na edukasyon.

Kasama rin sa panukala ang regular na pagsusuri sa kondis­yon ng trabaho, staffing standards, at salary classifications katuwang ang Civil Service Commission at Association of Government Accountants of the Philippines.

Paggigiit ni Senador Go, hindi lamang niya nais na protektahan ang kapakanan ng government accountants kundi palakasin din ang kanilang kakayahan na maglingkod nang may integridad at kalayaan mula sa anomang panggigipit.

Aniya, “Kung kinikilala natin ang bigat ng kanilang responsi­bilidad, nararapat lamang na bigyan sila ng sapat na proteksyon, benepisyo, at pagkilala.”

Sa kasalukuyan, maraming government accountant ang na­­ka­raranas ng mabigat na workload, lalo na sa mga ahensya at local government units na ku­lang sa tauhan.

Bagaman may mataas na propesyonal na pamantayan, hin­di sapat ang benepisyo at kompensasyon kumpara sa ka­nilang responsibilidad.
Sa pribadong sektor, mas mataas ang sahod ng mga accountant, dahilan kung bakit ma­­rami ang lumilipat o umaalis patungong ibang bansa.

Ayon sa Commission on Audit at mga accounting associations, may kakulangan din ng qualified accountants sa ilang ahensya, na nagreresulta sa delays sa auditing at reporting.

Ang panukalang “Magna Car­ta for Government Accountants” ay nakikita bilang hakbang tungo sa mas makataong kondisyon sa trabaho, mas ma­taas na morale, at mas epektibong serbisyo publiko.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here