Home OPINION PANAWAGAN PARA SA PAGTULONG SA MGA NASALANTA NG BAGYONG TINO

PANAWAGAN PARA SA PAGTULONG SA MGA NASALANTA NG BAGYONG TINO

404
0

SA gitna ng matinding pagbaha na sumalanta sa Cebu, libo-li­bong pamilya ang nawalan ng tirahan, kabuhayan, at maging mga pangunahing pangangailangan katulad ng pagkain at damit. Sa panahong ito ng pagsubok, nananawagan kami sa mga may mabubu­ting kalooban na magbahagi ng tulong ngunit sana ay tunay na makatutulong na mga donasyon.

Hinihikayat po kayo ng inyong Agarang Serbisyo Lady na magbigay ng malilinis, maayos, at magagamit pang mga damit, kumot, tuwalya, at tsinelas para sa mga naapektuhan ng kalamidad. Hindi po kailangang bago, ngunit sana ay nasa maayos na kondisyon, ‘yong kaya ninyong isuot kung kayo mismo ang na­ngangailangan o nasa kanilang sitwasyon. Tandaan, ang tunay na pagtulong ay hindi lang basta pagbibigay, kundi pagbabahagi ng may malasakit at dignidad.

Sa panahon ng sakuna, ang simpleng pag-alalay na may puso ay malaking pag-asa. Sama-sama nating patunayan na ang ma­lasakit ug tabang sa Cebu ay bu­hay sa bawat Filipino.

Makatutuwang natin ang Phi­lippine Coast Guard kung saan ang inyong lingkod ay isang Auxil­liary Rear Admiral ng PCGA, ka­ya siguradong makararating ang inyong donasyon.

Katulad ng ibinalita namin sa ConnecTV, ang bagyong si Ti­no na may international name na Kalmaegi ay nagpamalas ng bagsik sa Silago, Southern Ley­te, matapos ay binaybay ang Borbon, Cebu; Silay city, Negros Occidental; San Lorenzo, Gui­maras; Iloilo city; at sa Magsaysay, Cuyo, Palawan, nitong November 4, 2025, at ang iniwan nitong pinsala ay malaki.

Sa ulat ng Office of the Civil Defense, umabot na sa 26 ang nasawi sa pananalasa ng bag­yo, kung saan ang 21 ay naitala sa Cebu, na karamihan ng sanhi ay pagkalunod. Patuloy na bineberipika ang balita na uma­bot na ito sa 48 dahil sa mga nasa­wi sa Compostela, Danao, Mandaue, at Talisay, lahat sa Ce­bu.

Kabilang din ang bumagsak na Super Huey helicopter ng Phi­lippine Air Force na magsasagawa ng disaster reconnaissance sa Loreto, Agusan del Sur kung saan ay anim ang namatay.

Umabot sa mahigit kumu­lang 400,000 na indibidwal sa Ce­bu ang naapektuhan kabilang ang mga inilikas na pamilya mu­la sa tent city sa mga lugar na tinamaan ng Magnitude 6.9 na lindol noong September 30, 2025.

Kinailangan na ibaba muna ang mga tent dahil hindi nito kakayanin ang malakas na hanging dulot ni Typhoon Tino.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, naapektuhan ni Typhoon Tino ang MIMAROPA, Western Visayas, Negros Island Region, Central Visayas, Eas­tern Visayas, at ang CARAGA region.

Umabot naman sa 1,649 rolling cargoes, nasa 1,643 ma­ritime vessels, at nasa 4,704 pasahero ang naapektuhan sa 104 ports sa buong bansa.
Nasa 138 na biyaheng pang­himpapawid naman ang nakan­sela na nakaaapekto sa 16,000 na pasahero.

Inatasan na ng Malacañang Palace ang mga cabinet secretaries na magtungo sa mga lugar na sinalanta ni Typhoon Tino para maseguro ang agarang pag­hahatid ng kinakailangang serbisyo ng publiko.

Sinabi ni Cebu governor Pamela Baricuatro na pinaghandaan ng lalawigan ang malakas na hanging dala ng bagyo ngunit ikinagulat nila ang mabilis na pagbaha lalo na sa Cebu city.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here