Home OPINION FLOOD CONTROL HEARING TULOY NGAYON

FLOOD CONTROL HEARING TULOY NGAYON

3
0

NGAYONG araw, Hunyo 11, 2026, ipagpapatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee Sub-committee sa ilalim ni Senador Rodante Marcoleta ang imbestigasyon sa kikbakan sa flood control program.

Habang tinitipa ito, bukod sa 18 Marines at sundalo, wala pang anunsyo kung may karagdagang ibang resource person/s ang magpapakita.

Gayunman, batay sa anunsyo nina Atty. Levito Baligod at kasama niyang 18 sundalo nitong nakaraang Lunes, may 14 at 7 pang iba na gustong sumali at sumama na dating Marines at sundalo bilang resource persons.

May iba pang inimbitahan na dumalo ngunit walang nakatitiyak kung sino-sino sila bagaman, ilan dito ang kongresman na may kinalaman o nalalaman sa kikbakan.

Isang tanong: Meron din bang imbitasyon kay Curlee Discaya na nagsabing ibubunyag na niya ang karagdagang 150 kongresman at indibidwal na dagdag sa 17 na niyang pinangalanan noong unang imbestigasyon sa SBRC sa ilalim ni Sen. Marcoleta?

Hintayin na lang natin kung sino-sino ang iba pang magpapakita ng kooperasyon sa SBRCS upang lilitaw ang katotohanan ukol sa kikbakan o korapsyon na sinasabing pinakamalaki sa kasaysayan ng Pinas at naganap sa nakaraang tatlong taong panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sakaling walang pagbabago sa mayorya hanggang bukas, tiyak nang magaganap ang imbestigasyon.

Dito natin naalaala na ang P1.3-P1.7 trilyong salaping bayan, kung hindi sana hinaluan ito ng kikbakan na umabot sa P800 bilyon gaya ng sinasabi ng 18 Marines at sundalo, mayroon sanang madaling pagkukunan ng malaking pondo laban sa masamang bunga ng napakalakas na lindol sa Mindanao nitong Lunes.

Ang P800B sana ay mapagkukunan ng ayuda para sa mga pamilya na namatayan, nasugatan, may missing na kamag-anak at nawalan ng mga tahanan at hanapbuhay bilang panimulang gawain laban sa kalamidad.

Ngunit lahat ng salaping bayang ito ay ipinaanod sa baha ng mga korap patungo sa sarili nilang bulsa.

Sana nga matuloy ang imbestigasyon patungo sa katotohanan, pananagutan at katarungan sa mga mamamayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here