Home OPINION ‘ANG YABANG NI MATIBAG’

‘ANG YABANG NI MATIBAG’

3
0

AYON kay National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag ay ” more International Criminal.Court WARRANTS may be issued within a month.”

Marami raw kasi ang naglalakad para lumabas ang mas marami pang warrant na manggagaling sa ICC.

Ano kaya ang basehan ni Matibag para ipagyabang niya ang ICC warrant?

Ang director na ba ng NBI ang opisyal coordinator ng Malacan̈ang sa ICC pagdating sa pag-issue ng warrant of arrest sa mga pilipino na umano’y sangkot sa drug war ni dating Presidente Rodrigo Duterte?

Dahil sa ipinagyabang ni Matibag na marami pang lalabas na ICC warrants, marami ngayon sa mamamayan ang nag-aabang.

Siyempre kabilang na ang inyong SIBOL sa nag-aabang sa sinasabi niyang “within a month” sa more ICC warrant may be issued.

Dahil kapag walang lumabas, ibig sabihin ay pananakot lamang niya ito sa mga kalaban ng amo niya sa Malacan̈ang.

At kung ang banta ng pag-aresto ni Matibag ay isang baseless intimidation sa mga kalaban ni Pangulong Bongbong Marcos para makagawa ng pananakot o mental disturbance ay maituturing itong “Other Light Threat”.

Pero kung ang banta ng pag-aresto ay may kaakibat na demand sa tao tulad ng boto sa impeachment trial ay ‘Grave Threat’ na ito.

Anyway, matapang naman si MATIBAG dahil wala sa kanya ang mga kasong iyan. Paghandaan na lang ni Matibag ang mga kasong maaaring maisampa laban sa kanya kapag hindi na siya ang NBI director o tapos na ang kanyang panunungkulan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here