Home METRO 3 drug suspects huli sa P.5K shabu

3 drug suspects huli sa P.5K shabu

2
0

MANILA, Philippines – TIKLO ang tatlong drug suspects kabilang ang dalawang bebot matapos makuhanan ng mahigit P665K halaga ng shabu makaraang maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth, kabilang sa mga naarestong suspek ang dalawang babae na edad 52, at 25-anyos at isang 30-anyos na lalaki na pawang residente ng Brgy., 176, Bagong Silang.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Col. Goforth na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng mga suspek.

Dahil dito, agad ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA matapos isa sa kanyang mga tauhan ang nagawang makipagtransaksyon sa isa sa mga suspek.

Matapos umanong tanggapin ng isa mga suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng nabiling shabu, kaagad siyang inaresto nina Lt. Mables kasama ang dalawang kasabwat sa Barangay 176, Bagong Silang.

Nakumpiska sa mga suspek ang limang plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 97.8 grams ng hinihinalang shabu na may estimated street value ona P665,040 at buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 26, Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here