Home OPINION VENEZUELA KAMBAL NA LINDOL AT ‘THE BIG ONE’

VENEZUELA KAMBAL NA LINDOL AT ‘THE BIG ONE’

3
0

MAKARAANG yanigin ang Venezuela ng magnitude 7.2 lindol dakong alas-6:04 ng gabi, 40 segundo makaraan, dumating din ang mas malakas na magnitude 7.5 lindol.

Pangunahing natamaan ang La Guaira City na siyang pinakamalaki at pangunahing puerto o pantalan ng nasabing bansa at naapektuhan din ang Caracas na punong lungsod o kapital nito.

Magkalapit lang ang dalawang lugar sa distansyang nasa 28 kilometro.

Magkalapit din ang mga lindol sa layong 5-10 kilometro mula sa isa’t isa.

Dahil sa mga ito, kulang-kulang nang 300 ang natagpuan patay habang halos 5,000 na ang nasugatan at hindi pa matantiya ang dami ng missing.

Agad na nagkaroon ng maraming namatay at nasugatan dahil sa pagbagsak ng mga gusali sa lakas ng magkakambal na lindol.

Kabilang sa mga pinakamahalagang usapin dito ang kawalan ng kahandaan ng mga nasa lugar na mabilis na rumesponde sa pangyayari, lalo’t gabi ang pangyayari.

Naging mahina at paralisado rin ang buong bansang Venezuela laban dito dahil nabansot ito sa pagsakal ng United States sa ekonomiya nito, lalo na ang paggamit bilang pagkakitaan ang langis nito na may pinakamalaking deposito sa buong mundo.

Sinakal ng US ang ekonomiya ng Venezuela sa kagustuhan ng huli na maging isang ganap na malayang bansa mula sa pananakop ng una.

Bigla nating naalaala ang “The Big One” sa Metro Manila na may magnitude 7.2 o mas malakas pa at magkaroon ng napakalakas na intensity o pagyanig dahil 0-5 kilometro lang ang lalim nito.

Ano nga naman kaya ang mangyayari sa buong Metro Manila, kabilang ang Manila, Pasay, Malabon, Navotas, Caloocan, Quezon City, Marikina, Pasig, Taguig, San Juan na nakapaligid o naroon ang bitak ng The Big One?

Nasaan na ang ating mga paghahanda sa libo-libong mamamatay, masusugatan at mami-missing?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here