MALAKAS ang ugong-ugong na pipilitin ng mga naghahari ngayon sa pamahalaan at iba pang pwersa na haharangan ng sibat si Vice President sa daan nito patungo sa halalang 2028.
Isa lamang ang kasong impeachment sa mga paraan dito.
Maaaring piliting ideklarang guilty si VP Sara sa impeachment at kung guilty ito, maalis na siya sa pwesto, hindi pa makababalik sa anomang pwesto sa pamahalaan at makakasuhan pa ng kriminal sa huli, gaya ng nangyari noong kay dating Chief Justice Renato Corona.
Bilang paningit, idineklarang inosente si Corona ng Sandiganbayan sa paratang na nagkaroon ito ng tago at hindi maipaliwanag na yaman at sinabing galing lahat iyon sa pagpapagod ng buong pamilya niya.
Nakapanghihinayang nga lang na namatay si Corona bago nito nakamit ang katarungan laban sa kamalian sa impeachment na nagtanggal sa kanya sa pwesto.
Kung hindi naman uubra ang impeachment, maaaring may magpasimula ng gulo na ikadedeklara ng kamay na bakal na ikalulusaw ng kasalukuyang sistema ng pamahalaan at pagpapatuloy ng mga nakaupo ngayon sa pwesto gaya noong nangyari ang deklarasyon ng martial law.
Maaaring may mga ligal pang paraan gaya ng pag-apruba ng anti-dynasty law na roon posibleng madiskwalipika si VP Sara sa pagkakaroon ng malalapit na kamag-anak sa pwesto.
Posible pa ring may maglakad din ng Charter Change o pagbabago sa 1987 Constitution na unang iniumang ngunit nadiskaril nang maaga gaya ng People’s Initiative.
May ugong-ugong pang may malakas na pwersang dayuhan na hindi namamalayang nilalaro ang lahat para sa mga pansarili nilang interes at ang sinomang Duterte ay balakid dito.
Ano nga kaya ang kahihinatnan ni VP Sara?
VP SARA VS SEN. HONTIVEROS
Dadalawa pa lang ang klarong nagnanais na tumakbo bilang Pangulo ng mahal kong Pinas.
‘Yun bang === Sina VP Sara at Senador Risa Hontiveros.
Ang iba, lumulutang ang mga pangalan ngunit tumatanggi sila na tumakbo na may pasubali.
…Kung aangat yata ang kanilang mga grado o rating sa mga presidentiable sa mga sarbey.
Ngunit malas na hindi sila makaangat-angat at mapantayan si VP Sara.
Pero sa pagitan nina VP Sara at Hontiveros?
Nakaiiyak ang diperensya nila.
Sa Pulse Asia survey na inilabas nitong Hulyo 2026, kalahati ng 100 porsyento respondent ang may gusto kay VP Sara habang 1% o isang botante lang ang may gusto kay Hontiveros.
Sa WR Numero nitong Hunyo na inilabas nitong katapusan ng Hulyo 2026, mahigit 39% ang boboto kay VP Sara habang nasa 2% lang ang kay Hontiveros.
Kaya lang, mismong si VP Sara ang nagdududa kung may halalan nga sa 2028 habang kumikilos si Hontiveros na matuloy ito.
Sumusugod nga sa Malakanyang ang mga kasamahan niya at nanawagang mag-resign si Pangulong Bongbong Marcos.
HAPPY KAY VP SARA, ‘DI HAPPY KAY PBBM
Bilang paningit din, mga Bro, 55% ng mga respondent sa WR Numero survey ang hindi happy o unsatisfied kay PBBM habang 55% ang happy o satisfied kay VP Sara.
Sabi naman ng iba, hintayin na lang umano ang resulta ng lahat ng sarbey kahit hanggang Setyembre 2026 kaugnay ng impeachment laban kay VP Sara.
Deal or no deal?






