Home OPINION PRRD AT ANNULMENT NG CONVICTION NI VP SARA

PRRD AT ANNULMENT NG CONVICTION NI VP SARA

2
0

NAKATUTUWANG makita si ex-President Rodrigo Roa Duterte na nakangiti, malusog at personal na humarap sa mga huwes ng International Criminal Court sa The Hague, Netherlands kamakalawa para sa third Status Conference sa kanyang kaso.

Ang mga pinakamahalaga sa atin ay ang katatagan nitong humarap sa husgado, walang idinadamay at pinaninindigang panagutan nito ang lahat ng naganap sa kanyang pamamamahala noong siya ang Pangulo ng bansa.

Tinupad nito ang kanyang pangako noon na makakamit lamang ang panlipunang kapayapaan, kaayusan at kaunlaran kung may giyera sa iligal na droga at korapsyon, tamang paggamit ng yaman at kaban ng bansa, matapat na paglilingkod sa bayan at simpleng pamumuhay ng mga trabahante ng gobyerno.

Ngayon nga, handa siyang magbuwis ng kanyang kalayaan at buhay para sa lahat ng ito.

SJ ROBIN PADILLA MALAMAN

Sa pagdalo sa impeachment trial ng amici curiae na sina ex-Chief Justices Artemio Panganiban at Reynato Puno at Associate Justice Adolf Azcuna, nakitaan si Senator-Judge Robinhood Padilla ng malalaman na punto na matamang tinugunan lalo na sina Puno at Azcuna.

Dito muling nabura ang paningin ng iba na walang laman sa utak, walang pinag-aralan at walang karapatang maging senador ang bad boy sa pelikulang Pinoy.

Napiga nito sina Puno at Azcuna na maglabas ng mga dapat gawin upang magkaroon ng tamang kaayusan at paggampan ng tungkulin ng mga SJ sa pagpapalabas ng “fair and impartial” trial at sa huli, makagawa ng tamang desisyon kay Vice President Sara Duterte.

PATAKARAN NG SENADO SA PAGDALO SA PAGDINIG

Makaraang ilatag ni Padilla ang problema sa pagdalo ng mga SJ dahil sa kanilang pagkakabilanggo, sinabi ni Ascuna na pupwedeng gumawa ang Senado ng batas o kaya’y baguhin ng Senado ang patakaran nitong bawal ang online na partisipasyon at tanging face-to-face ang pinapayagan,

Dito natin naalaala na mismong ang Sandiganbayan ay pinayagan si nakabilanggong ex-Speaker Martin Romualdez na dumalo sa arraignment nito online.

HURISDIKSYON NG MGA KORTE

Sa parte ni Puno na tinanong ni Padilla kung ano ang remedyo sa pagdalo ng mga nakakulong, ipinaliwanag nitong may kanya-kanyang hurisdiksyon ang impeachment court at iba pang mga korte, gaya ng Sandiganbayan ngunit paiiralin lang ang respeto sa isa’t isa.

Ayon kay Puno, pwedeng makipag-ugnayan ang impeachment court sa Sandiganbayan para sa pagsali sa trial ng mga nakakulong hindi bilang mambabatas kundi huwes.

Umigting ang isyung may kumikilos para maibaba ang 2/3 threshold o 16 minimum na boto para madeklarang guilty si VP Sara nang inilabas ni SJ Pia Cayetano ang pressures o harassments sa mga SJ kasama na siya at sina SJ Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada, Bato dela Rosa at iba pa para ‘du mabuo ang 24 senador na batayan ng 16 boto.

DESISYON, MAPAWAWALANG-BISA

Sa huli, naging klaro na pupwedeng i-nullify o ibasura ng Supreme Court ang desisyon ng impeachment court na conviction kung ipagkakait sa mga SJ ang karapatan nilang dumalo sa trial at bumoto makaraan.

Sakop ba ito ng “matindi o malubhang pang-aabuso sa kapangyarihan o desisyon na nagreresulta sa kawalan o labis na hurisdiksyon?”

Kung ayaw ang Senado na baguhin ang rules nito na face-to-face at ilaban sa Sandiganbayan ang karapatang dumalo ng mga nakakulong na SJ, hindi ba ito magiging dahilan para maibasura ang desisyong conviction ni VP Sara?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here