Home OPINION BACKDOOR BENDING THE CONSTITUTION

BACKDOOR BENDING THE CONSTITUTION

1
0

BAKIT hindi matanggap ng ilan sa senator judges na TWO THIRDS ng lahat ng miyembro ng Senado ay labing-anim o 16? Dahil ba ang kwenta na gusto nila upang ma-convict si Vice President Sara Duterte ay kapos? At kapag hindi umabot sa 16, tiyak na abswelto si VP Sara.

Isang dahilan tiyak ay kapag tumakbong presidente ito ay malamang na ang panalo. O, di ang hinahanap nila ay hindi FAIRNESS, Hindi TRUTH, hindi ACCOUNTABILITY subalit ang gusto nila ay POLITICAL SURVIVAL nila.

Sabi ni Senator “Bend the Law”, kapag 16 kailangang boto ay baka ACQUITTED by default ang Pangalawang Pangulo. Paano kasi ang gusto nila ay hindi makatakbo si VP Sara sa susunod na election. Nais nilang sa 2028 Elections ay matalo ang ale by default kasi nga ay disqualified siya to run for public office.

Alamin nga natin kung ilang senator ang gusto na ma-convict si Sara dahil naglalaway na pumalit sa pwestong posibleng maiwan at maging Vice President ni Pangulong Bongbong Marcos?

Kamakailan ay inimbitahan ng Senado ang ilang dating SUPREME COURT JUSTICES para ibigay ang kanilang OPINYON sa usapin ng two-thirds vote ng Senator Judges para sa Impeachment ni VP Duterte. Nagbigay ang mga ito ng kani-kanilang pag-unawa sa nakalagay sa Saligang Batas kaugnay sa botong kailangan para sa pagpapatalsik sa mga impeachable official.

Siguro, mas mainam na mag-imbita naman ang Senado ng Math at English TEACHERS para maipaliwanag ang NAPAKALINAW na salita sa KONSTITUSYON.

Bakit kasi hindi pa aminin kaagad ng mga gustong pumalit sa Bise Presidente na desperado na sila kaya lahat na lang ng pagbaluktot sa batas ay kanilang ginagawa?

Pagbobotohan ng mga senador ang conviction kung 16 o hindi. At dahil hindi naman judgement, majority ng lahat ng senador ay kailangang HINDI 16 ang iboto. Palalabasin na hindi 16 ang two-thirds vote for conviction. Eh, lumalabas tuloy na backdoor bending the law ang mangyayari.

By simple majority vote, they will succeed in reducing the constitutional threshold of two thirds vote.

At kung sakaling iakyat sa Korte Suprema ang issue ay maaaring gamitin nitong mga atat na senador ang Doctrine of Constitutional Avoidance at hindi makapagdesisyon ang Supreme Court.

Kapag ganito ang ginawa ng mga mambabatas, walang ibang ‘recourse’ ang taumbayan kundi ilagay sa sarili nilang kamay ang desisyon.

Dapat mag-isip-isip na rin ang mga opisyal ng pamahalaan. MAHIRAP KILALANIN ang isang desisyon na NAKUHA sa PILIT na PARAAN.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here