Home OPINION LANGIS NILALARO SA LABAS NG PINAS; BUWIS, PRESYO NILALARO NAMAN SA LOOB

LANGIS NILALARO SA LABAS NG PINAS; BUWIS, PRESYO NILALARO NAMAN SA LOOB

1
0

LUMILITAW na mapaglaro ang mga makapangyarihang bansa sa hawak nilang yamang langis habang nilalaro rin ng pamahalaang Pinas ang mga hakbang sa langis na makagagaan sana sa hirap na hirap nang kalagayan ng mga Pinoy.

Itong Amerika ngayon ang may hawak ng pinakamalaking pagnenegosyo sa langis bilang pinakamalaking producer at pinakamalaking exporter.

Kung titingnan ninyo, ang pagsira nito sa lahat ng produksyon at negosyong langis ng Iran ay lumilikha ng pagganti ng Iran na ikinadaramay ng lahat ng mga bansang kaalyado ng Amerika gaya ng Saudi Arabia, Kuwait, Bahrain, Qatar at United Arab Emirates.

Sumasali rin ang Houthi sa Yemen na kaalyado ng Iran laban sa Saudi Saudi Arabia na kaalyado nga ng Amerika.

Dahil sa pangunguna ng Amerika sa giyera, nasa gitna ng krisis ang 30% ng pandaigdigang suplay dahil close-open ang labasan ng langis sa Strait of Hormuz at Bab el-Mandeb patungo sa Pinas at iba pang bahagi ng mundo.

Dahil sa krisis sa suplay, naglalaro sa $102-$105 kada bariles sa Amerika at sa Europa at ibinebenta at iniaalok ng Amerika ang mga sarili nitong produktong langis, kasama ang galing sa Venezuela na hawak nito, sa Europa, India at iba pang mga bansa, kasama ang Pinas.

Ang masama naman sa Pinas, kahit napakabigat na ang presyuhan ng langis dito na nagpapahirap sa lahat dahil nagbubunga ito ng napakataas na presyo ng mga bilihin, walang mahalagang hakbang ang pamahalaan para gumaan naman sana ang kalagayan natin.

Ayaw man lang nitong suspendihin ang mga excise tax na P10 kada litro sa gasolina, P6 sa diesel at P5 sa kerosene at nakalimutan na ring pag-usapan ang pagkontrol sa 100% kapangyarihan ng mga kompanya ng langis na magtakda ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Nasaan ang pangako ng pamahalaan na kaligtasan sa paghihirap ng mga mamamayan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here