Home OPINION DOLE, PINASIMPLE PROSESO NG APLIKASYON SA ALIEN EMPLOYMENT PERMIT

DOLE, PINASIMPLE PROSESO NG APLIKASYON SA ALIEN EMPLOYMENT PERMIT

3
0

MAYNILA, Pilipinas — Nagsagawa ng mahalagang hakbang ang Department of Labor and Employment
(DOLE) upang gawing mas mabilis at simple ang proseso ng aplikasyon para sa Alien Employment Permit
(AEP) at paghusayin ang frontline services nito para sa mga employer at dayuhang manggagawa.

Sa ilalim ng Department Order No. 248-C, Series of 2026, na nilagdaan ni Kalihim Francis N. Tolentino,
binawasan ng kagawaran ang mga requirement na dokumento, pinaikli ang processing time, at tinanggal
ang mga hindi kinakailangang gastusin sa aplikasyon.

Mga pangunahing pagbabago sa AEP Application System:

1. Binawasan mga Kinakailangang Dokumento: Hindi na kailangang magsumite ng PCAB License,
PRC Special Temporary Permit, DOJ Authority to Employ Alien, at DENR Authority to Hire Foreign
National kapag nag-aapply, bagamat obligado pa ring sumunod ang aplikante sa mga regulasyon
ng mga naturang ahensya.

2. Inalis ang News Publication Cost: Ipinahinto na ang paglalathala ng Labor Market Notice sa mga
pangunahing pahayagan na binabayaran ng aplikante. Sa halip, maaari na itong ipalathala sa
DOLE Official Portal or Public Repository, o isumite sa University of the Philippines (UP) Law
Center.

3. Pinaikling Processing Time: Mula sa dating 15 working days, pinaikli na sa 10 working days ang
pagproseso ng AEP application, na may pinahihintulutang single 10-day extension lamang
(maximum 20 working days).

4. Direct HR Processing: Maaari nang iproseso ng mga employer ang aplikasyon sa pamamagitan
ng kanilang sariling HR officer nang walang ipinapataw na karagdagang bayad. Ang resibo para
sa kaukulang bayarin ay ibibigay lamang kapag naaprubahan na ang aplikasyon matapos ang
teknikal na pagsusuri.

5. Embassy Endorsement at Benepisyo: Pinapayagan ang mga embahada at konsulado na mag-
endorso ng aplikasyon sa Bureau of Local Employment (BLE) o Department of Foreign Affairs
(DFA) sa pamamagitan ng official notes. Samantala, ang mga legal na dayuhang manggagawa ay
makatatanggap din ng benepisyong medikal sa mga pampublikong ospital at maaaring
sumailalim sa orientation hinggil sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas.

Ayon sa DOLE, ang bagong alituntunin ay suporta sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na
magbigay ng mabilis na serbisyo-publiko habang tinitiyak ang pagsunod sa mga batas-paggawa at sa
Anti-Red Tape Act of 2007.

Magkakabisa ang nasabing Department Order 15 araw matapos ang opisyal na paglalathala nito sa
pahayagan na may pangkalahatang sirkulasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here