Home METRO Adik timbog sa Las Piñas drug ops

Adik timbog sa Las Piñas drug ops

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng operasyon laban sa mga wanted ang mga tauhan ng Las Piñas City Police-Warrant and Subpoena Section (WSS) na nagresulta ng pagkakaaresto sa isang drug suspect nitong Biyernes, Pebrero 16.

Sa natanggap na report ng Southern Police District (SPD) mula sa Las Pinas City police ay nakilala ang nadakip na suspect na si Efondo Masanga, 43, napasama sa listahan ng pulisya bilang Top 8 most wanted person sa buwan ng Pebrero.

Sinabi ng SPD na sa pakikipagtulungan ng mga tauhan ng WSS sa Station Intelligence Section (SIS) ay naaresto si Masanga dakong alas 3:30 ng hapon sa Barangay CAA, Las Piñas City.

Sa pagpapatupad ng operasyon ay bitbit ng mga operatiba ang warrant of arrest laban kay Masanga na inisyu nitong nakaraang Pebrero 1, 2024 ni Las Piñas City Regional Trial Court (RTC) Judge Josefina Eco Siscar ng Branch 201 kaugnay sa kasong illegal drug possession na kinasasangkutan ng suspect.

Kasalukuyang nakapiit si Masanga sa custodial facility ng Las Pinas City police makaraan ang kanyang pagkakaaresto. James I. Catapusan

Previous articleTikTok ban, sa mga gadget lang na konektado sa military network – AFP
Next articleBangkay ng lalaki natagpuan sa gilid ng kalsada sa Cavite