Home HOME BANNER STORY Alamin: 28 na bawal na paputok ibinabala ng pulisya

Alamin: 28 na bawal na paputok ibinabala ng pulisya

MANILA, Philippines – Inilabas na ng pulisya ang opisyal na listahan ng mga ipinagababawal na pailaw at paputok na naglalayong maiwasan ang aksidente at masiguro ang kaligtasan ng publiko sa pasalubong ng bagong taon.

Sa report na inilabas ng Police Regional Office 3 (PRO3), ipinagbabawal ang watusi, piccolo, poppop, five star (big), pla-pla, lolo thunder, giant bawang, giant whistle bomb, special, atomic bomb, atomic triangle, large-size Judas belt, goodbye delima, hello Columbia, goodbye napoles, super yolanda, mother rockets, kingkong, kwiton, super lolo, goodbye bading, goodbye philippines, bin laden, coke-in-can, pillbox, kabasi, tuna at goodbye chismosa.

Ayon kay PRO3 Regional Director, PBGEN Redrico Maranan, ang mahigit na pagbabawal sa mga nasabing paputok ay bahagi ng kampanya ng pulisya upang maiwasan ang pinsalang dulot ng maling paggamit kabilang ang sunog, pagkasugat at pagkasawi.

“Mahalaga ang ating kaligtasan, Lalo na sa panahon ng pagdiriwang.Hinihikiyat namin ang publiko na huwag gumamit ng mga ipinagbabawal na paputok at ipagdiwang ang bagong taon sa pamamagitan ng mas mapayapa at ligtas na pamamaraan.Isaisip natin ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga mahal sa buhay,” anang heneral

Sinasabing ang lahat na mahuhuling lumalabag ay nahaharap sa kaukulang parusa alinsunod sa batas. Dick Mirasol