Home SPORTS Alyssa Valdez hinirang na Most Trusted Sports Personality

Alyssa Valdez hinirang na Most Trusted Sports Personality

Pinarangalan ng Reader’s Digest Trusted Brand Awards si volleyball superstar Alyssa Valdez bilang Most Trusted Sports Personality sa ikalawang pagkakataon.

Nagsalamat si Valdez sa mga naniwala at nagtitiwala  sa kanya maging sa mga sumusuporta sa sports.

Pinuri rin niya ang prestiyosong Reader’s Digest dahil sa pagkilala sa mga kababaihan na nasa larangan ng isports.

Aminado si Valdez na ang pagkilala ay bumabasag sa gender stereotypes at social norms na nanalasa sa isports.

Nagpapasalamat siya na mayroong  espasyo ang mga kababaihan sa larangan ng palakasan.

Kumpiyansa si Valdez na magiging inspirasyon sila sa mga kabataan at magiging motibasyon para ipagpatuloy ang kanilang mga adbokasiya.

Itinuturing si Valdez na isa sa pinakamahusay na volleyball player ng bansa. Siya ay two-time UAAP champion at three-time UAAP Most Valuable Player.

Maka-ilang beses na rin siyang ginawaran ng Most Valuable Player at Best Outside Hitter award sa Premier Volleyball League.

Previous articleBrownlee instant sikat sa debut sa Indonesian League
Next articleDam water ‘di sakop ng wealth tax – SC